by Alex Calleja
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
•
Hi Alex,
Sobrang traffic sa Maynila lalo na sa EDSA. Araw-araw pa naman akong nagdadala ng kotse papuntang opisina. Ang napapansin ko lang, isa sa mga dahilan ng traffic eh ang kawalan ng disiplina ng mga driver sa kalsada. Isang halimbawa eh ang signal light, kapag ako sisingit sa kabilang lane at gumamit ako ng signal light, lalong hindi ako pinapasingit at binibilisan pa ng kasunod kong kotse ang takbo niya. Gustong-gusto ko talaga makasingit para makaiwas sa traffic. Ano ba ang magandang gawin ko?
Jordy ng Libertad
Hi Jordy,
Alam mo Jordy, ang signal light dito sa Pilipinas iba ang kahulugan, ang ibig sabihin ng signal light dito ay ‘takot at masunuring driver ako, wag niyo ako pasingitin’. Kaya kung ako sa’yo, kung sisingit ka, singit ka na! Biglain mo, para magulat sila. Bubusinahan ka ng malakas pero OK lang yun! Mga motor ng walang signal-signal eh, paa lang ginagamit ayos na! Subukan mo ngayon!
Hi Alex,
Mahilig ako sa relo kaya nangongolekta ako. Nang binilang ko nga eh halos may isang libong relo na ako. Karamihan dito mamahalin, may iba automatic pero halos lahat de-baterya! Madami sa mga relo ko ang de-baterya at lahat halos tumigil na dahil wala ng power ang mga baterya. Ang problema ko ay kapag nagpalit ako ng baterya, siguradong gagastos ako ng malaki. Natatakot naman ako na kapag hindi ko nilagyan ng baterya eh masira! Ano po ba ang gagawin ko?
Sean ng Makati
Hi Sean,
Wag mong lagyan ng baterya, sayang lang ang pera mo! Hayaan mo kung masira dahil kahit sira yan, mapapakinabangan mo pa rin yan! Paano mo mapapakinabangan? Kahit sira ang relo, tama pa rin ang oras niyan dalawang beses sa isang araw. Kapag hindi mo nagets ang sinabi ko eh ikaw ang sira!
•
Hi Alex,
Mahilig ako sa babaeng malaki ang hinaharap pero dahil sa mga madadayang bra tulad ng wonder bra at push-up bra, hindi ko na malaman ngayon ang malaki sa hindi! Paano ko ba malalaman ang totoong malaki
Perry ng Quezon City
Hi Perry,
Pindutin mo, kapag hindi agad bumalik, nadaya ka!
•
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007