By Ruel J. Mendoza
Na-miss ng aktres na si Jean Garcia ang pagganap bilang kontrabida sa teleserye, kaya sa bagong primetime series ng GMA-7 na Kambal, Karibal ay balik sa kontrabida siya.
Matagal ding iniwasan na gumanap na kontrabida si Jean kaya sa simulang taping niyang Kambal, Karibal ay parang nanibago siya ulit.
“Ang tagal ko kasing hindi nagkontrabida, ‘di ba?
“Unlike before, magkakasunod siya.Eh bigla kong napahinga kaya parang nangalawang ako!” tawa pa niya.
Huling napanood si Jean sa teleserye na Pinulot Ka Lang Sa Lupa kunsaan mabait ang role niya.
“Kaya super-adjust ulit ako sa pagiging kontrabida.
“Yung role ko rito, palengkera na mukhang pera. Walang breeding.
“Kaya nag-enjoy ulit ako sa pagiging kontrabida. Parang bumalik lang ulit si Madame Claudia!” tawa pa ni Jean.
Tungkol naman sa love life ni Jean, single daw ito ngayon pero open siya sa pakikipag-date.
Dahil din sasunud-sunod na trabaho kaya ‘di rin maharap ni Jean ang makipag-date ng madalas.
“Choosy din kasi ako.
“Siyempre, sa edad kong ito, kailangan careful din ako sa mga makikilala ko.
“Kaya mas gusto ko munang date-date lang at walang commitment.
“Kung wala naman, okey lang kasi busy rin ako ngayon.
“Kung may darating, why not? Pero hindi ko naman hinahanap,” diin niya.
Adik daw ngayon sa pag-workout si Jean. Kaya kung wala siyang work, sa gym daw siya matatagpuan.
“Nahiligan ko na ang mag-workout. Kailangan ko narin kasi.
“Before, mag-gym lang akong dalawa o tatlong beses, tapos ayoko na. After ilang months naulit ako babalik.
“Ngayon, four times a week ako nagdyi-gym.Tapos may diet narin ako na sinusunod.
“I realized na kailangan kong mas maging malakas pa dahil pushing 50 na nga tayo. Ayokong hindi ako healthy sa edad na iyon.