by Rica Cruz
Hi Ma’am Rica:
Salamat po sa column niyo at madami po akong natututunan. Tanong ko lang po, kami po ng girlfriend ko ay nagla-“laro.” Pero hindi po naming ginagawa “iyon.” Tanong ko lang po kung pwede po ba siyang mabuntis kung dikit at hawak lang po ang ginagawa namin? Natatakot po kasi.
Laro Lang
Hello Laro Lang,
Maraming salamat sa pagbabasa at maraming salamat din at ipinagkakatiwala mo sa akin ang iyong tanong. Magaling din na nagla-“laro” kayo ng girlfriend mo and at the same time, iniisip niyo kung paano siya hindi mabubuntis. Good job!
Though normal lang na maging anxious kayo tungkol sa pagbububntis, lalo na kung hindi pa kayo handa mag-alaga ng bata.
To answer your question, may mga pagkakataon na may nabubuntis without intercourse, pero sobrang dalang lang nito. It is highly unlikely to get someone pregnant without the intercourse or pag-“do” pero hindi ibig sabihin nito na ito ay imposible.
Pwedeng mabuntis ang girlfriend mo kahit hindi kayo nag-“do” (or walang penile-vaginal intercourse) kung:
– May pre-ejaculate na lumabas sa iyo at napunta sa kaniya.
– Natapos ka (you ejaculated) malapit sa kaniyang vaginal opening at may semen na pumasok sa kaniya.
– Pinasok mo ang daliri (or kahit ano) na may semen mo sa kaniya.
Para makasiguradong hindi siya mabubuntis, baka mas makakabubuting gumamit kayo ng birth control. Pwedeng condom, pwedeng pills, pwedeng injectibles, pwedeng IUD.
Madaming pang ibang paraan para mapigilan ang pagbubuntis and at the same time, nakakapag-“laro” pa rin kayo at na-eenjoy ang isa’t-isa.
Kung gusto mo ng tulong, pwede kayo pumunta sa health center at makakakuha kayo ng impormasyon doon. Mas makakabuti rin na magpa-STI-test kayong dalawa para makasiguradong hindi kayo magkakasakit dahil sa pag-“lalaro.”
Ang pinakaimportante para sa inyong dalawa ay ang paguusap niyo tungkol sa ganitong bagay. Kailangan ay open kayo palagi sa isa’t-isa, especially in terms of how you feel about each other. Huwag kayong mahiya. Mas-OK nang nakakasigurado kaysa anxious kayo palagi, di ba?
Sana nakatulong ako sainyo. Enjoy! #takeitfromthesexymind
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me on Instagram: _ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.