By: Jel Santos
Inaresto si dating congressman Joel Roy Duavit na nahaharap sa apat na warrant of arrests patungkol sa kasong isinampa ng asawa nito.
Dinakip ng awtoridad si Duavit sa pangunguna ni team leader SPO4 Jose Drexell Molina sa loob ng condominium nito sa North Tower of Shangrila sa Barangay Highway Hills sa Mandaluyong City.
Ang kaso ay may kinalaman sa reklamo ng asawa ni Duavit na si Elvira Escueta Duavit ukol sa umano’y verbal, physical at emotional abuse.
Ayon sa complainant, nakatanggap siya ng pang-aabusong verbal kay Duavit noong May 2010 nang ikumpara umano siya sa kanilang kasambahay at kutyain ang kaniyang hitsura sa harap ng maraming tao.
Ang lahat umano ng pang-aabuso ay naganap sa loob ng kanilang tahanan sa San Juan.
Agad naman na nagpiyansa si Duavit sa lahat ng mga kaso sa halagang P134,000 sa isang korte sa San Juan.