By RUEL J. MENDOZA
SA isang open letter na pinost ni Maine Mendoza sa Twitter, maraming fans niya ang nagulat kung bakit biglang nagbuhos ng kanyang damdamin ang Phenomenal Star.
Bago ang open letter na ito, kumalat sa social media ang diumano’y date nila ni Jake Ejercito.
Si Jake ay ilang beses nang naging guest sa Kalyeserye bilang college classmate ni Maine.
Maraming AlDub fans ang nag-react sa date nilang ito na naging dahilan kung bakit na-bash ng husto si Jake ng fans nila Maine at Alden Richards.
Kaya heto ang open letter ni Maine para sa kanyang fans para sabihin na siya ang pipili ng mga bagay na magpapasaya sa kanya at hindi ang ibang tao.
Nabanggit din ni Maine na deserve din ni Alden ang maging masaya sa mga choices nito.
Heto ang ilang bahagi ng open letter ni Maine:
“Bago ang lahat gusto ko muna magpasalamat sa inyo. Sa lahat ng suporta at pagmamahal na ibinigay at ipinakita niyo sa amin. Sa mga bagay na isinakripisyo niyo alang-alang sa akin/aming dalawa ni Alden.
“At sa lahat ng iba niyo pang nagawa lalong-lalo na ang pagtulong niyo sa kapwa. Habang buhay akong magpapasalamat sa Diyos dahil dumating kayo sa buhay ko at nakilala ko kayo. Maraming salamat sa panahon at sa pagkakataon.
“By the end of this letter I am pretty sure majority of you are going to turn your backs on me and probably hate on me. Pero sabi nga nila, speak the truth even if your voice shakes.
“I honestly could not be more thankful for the gift of making people happy by just being myself. I believe that is a rarity here in the world of show business, but I am really thankful God had given me that some kind of knack.
Maaaring wala nga akong talento pero masaya ako na nakakapagpasaya ako ng ilang mga tao. That’s more then enough for me.
“I used to be REALLY amazed by the support AlDub was getting back then. I was overwhelmed by all the attention and support you are giving us. AlDub Nation 2015, ang saya saya lang. When everyone was taking things lightly and we were all just so happy. Do you still remember the good ol’ days? Back when things are so not complicated? Still worth remembering up to this time.
“Two years later, a lot has changed but some things remained the same. Masaya pa din kayo. I can see how happy you guys are whenever you are all together. Iba yung saya niyo tuwing magkakasama kayo. Masasabi kong ibang klase yung pagkakaibigan at samahan na nabuo sa pagsuporta niyo sa amin. At hindi ako magsasawang ulit-ulitin na sana huwag mawala yan kahit ano pa ang mangyari.
“Marami kayong nagagawa hindi lang para sa amin ni Alden, kundi para na din sa iba. Marami kayong ibang natutulungan na mas higit na nangangailangan. At nagpapasalamat ako dahil ginagawa niyo yan ng kusa, dahil mayroon kayong busilak na kalooban. Salamat dahil ultimo kayo ay nakakapagpasaya din ng iba pang mga tao.
“I am grateful to have all of you who have walked this path with me. But I need to be honest, I am at this point where I feel like I live in a box. I have not been able to do what I want and say what I feel because every time I try to express my thoughts and feelings, some of you tend to misapprehend and invalidate them in so many ways.
“Dictating me what I should feel and should not feel. Ang hirap. Yung mga taong nagsasabi na wala akong dapat na maramdaman kundi kaligayahan kasi pinagpapala ako at dapat akong magpasalamat sakanila (at sakanila lang) dahil “wala naman ako kung wala sila”. Do not get me wrong, I am thankful for everything I have right now. And I have the Lord and the people who helped and supported me along the way to thank for that. I just could not take how some people feel so entitled in so many things, hindi lang sa career, ultimo personal na buhay.
“Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko, sino ba talaga ang gumawa sa akin? Ang Diyos ba o sila? Pagmamay-ari ba nila buong pagkatao ko para diktahan ako sa halos lahat ng bagay? Bakit ganun? Ganun ba dapat kapag mahal mo yung tao?
Susubukan mong kontrolin ng naaayon sa kagustuhan mo? Dahil tingin mo yun yung tama? Dahil tingin mo doon siya liligaya?
“Dumating yung araw na naramdaman ko na para bang hindi na ako masaya. Na kahit sandamakmak ang biyaya ang natatanggap ko, nawala na yung ligaya sa puso ko. Hindi ko na makita yung tuwa sa mga ngiti ko at kinang sa mga mata ko. Hanggang sa napagtanto ko na iyon pala ay dahil sa ilang mga tao na nakapaligid sa akin. Yung mga taong akala ko ay tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sa akin. Mahirap.
“Nahihirapan akong dinidiktahan ng mga dapat kong gawin at maramdaman. Napagtanto ko na nakokompromiso na yung kalayaan at kaligayahan ko. At hindi ko kayang mamuhay ng ganoon. I want to be able to do what I want and what makes me happy because I believe that is how life should be. I do not want to compromise my own happiness for other people’s desires. So this time, I am choosing myself. Ako naman.
“When AlDub happened, everything escalated. My life changed drastically when Kalyeserye began. We’ve had blessings on top of blessings. Alden and I were given so much more than we could ask for. But more than anything, we will be forever thankful that God had given us people like you. People who support us in the things we do; those who always stood by our sides and defended us against judgments and criticisms; those who love us truthfully as a pair and as two different individuals; and those who never gave up. And for all the love and efforts you have given us, you deserve to know the truth that at this very moment Alden and I are just friends. We are a love team.
“As I have said, as you finish reading this letter, a lot of you would probably turn your backs on me. I am ready for it; I knew this day would come. Even if I am left with a small number of supporters after posting this, kahit sampu lang yan, for as long as I know (and I feel) they truly love me and care for me, I’ll be fine. Or even if I am left with none, I have family and friends who love me dearly and will never leave my side whatever happens. Sapat na yun para sa akin.