Tunay na isang mahusay na businesswoman ang Kapuso leading lady na si Kris Bernal.
Sa gitna ng pagiging busy ni Kris sa kanyang pinagbibidahang afternoon teleserye na Impostora, hands-on din si Kris sa pag-asikaso ng kanyang papalaking food business.
Sa isang Instagram post ni Kris noong nakaraang November 22, makikitang nasa gitna ng construction ang aktres sa kanyang bagong tinatayong restaurant.
Isang Korean restaurant ang bagong venture ni Kris na tatawagin niyang SEOULMeat.
Sa 2018 na raw ito magbubukas at ang specialty nito ay authentic Korean food na may fusion ng Pinoy food.
“My 2018 PROJECT: #SEOULMeat Restaurant, Unlimited servings of Korean barbecue for less than P400. Learned so much about food business while handling my #MeatKRIS burger stalls, it’s time to create something bigger, dream bigger!” caption pa ng aktres.
Isa si Kris sa mga celebrities na marunong maghawak ng perang kinikita nila sa showbiz at inilalagay nila ito sa kanilang negosyo.
Very successful ang kanyang food business na MEATKris kunsaan nagse-serve sila ng iba’t ibang klaseng burgers.
Kelan lang ay pumunta ng South Korea si Kris para alamin ang mga pagkain na puwede niyang i-serve sa itatayo niyang Korean restaurant.
Noong nakaraang December 9 ay nag-post si Kris ng photo sa IG kunsaan hawak niya ang kauna-unahang best actress award niya para sa pagganap niya sa teleserye na Impostora.
Ang award ay mula sa OFW Gawad Parangal 2017.
“I hope this will be a great starting point for bigger ones! Thank you everyone for making me who I am today,” caption pa ni Kris.
Sa personal na buhay, may inspirasyon si Kris ngayon. Isa raw ito sa mga business partners niya at sinamahan siya nito noong magbakasyon siya sa Korea.
Sa 2018, nakaplano na ang vacation ni Kris sa bansang Iceland. (Ruel J. Mendoza)