By GLEN P. SIBONGA
GINULAT at pinahanga ng Star Magic artist na si Erich Gonzales ang marami sa kanyang pagpapaseksi ngayon sa kanyang ginagawang mga proyekto pati endorsement. Nagkaroon siya ng sexy pictorial para sa Tanduay 2018 calendar.
Lumabas din ang kaseksihan niya sa pelikulang “Siargao,” na official entry sa 2017 Metro Manila Film Festival. Dahil sa tinaguriang Surfing Capital of the Philippines nga ang location nila kaya maraming eksenang naka-swimsuit at naka-bikini si Erich lalo na habang nagsu-surf.
Hindi ba siya nailang? “Hindi po. Pinaghandaan po natin iyan, pinagtrabahuhan natin, and para ng dumating po ako sa punto ng buhay ko na kung hindi ko gagawin ngayon, kailan pa? I mean, I’m ready for it now, hindi na po tayo bata pa, di ba? ‘Yun po dumating ‘yung project, tapos nasa beach, so parang perfect timing naman lahat.”
Kinarir nga raw ni Erich ang pagwo-workout para mas gumanda pa ang kanyang katawan. Bago pa raw ang “Siargao” ay nagsimula na siyang mag-workout dahil may ginawa rin siyang action-suspense movie. Kaya tamang-tama nung in-offer sa kanya ang “Siargao” ay seksing-seksi na siya. Pati nga raw ang pagsu-surf ay talagang inaral ni Erich para sa movie.
Hanggang saan ang pwedeng ipakita ni Erich pagdating sa mga mature at sexy scenes? “Ever since naman po like ‘yung first teleserye ko po na ‘Katorse,’ mature din talaga ‘yun. And ako naman lagi ko pong sinasabi na kapag kailangan po sa istorya, hindi naman po ako nagpapakita ng basta wala lang, ng walang sense. Kung kinakailangan po sa story, sa project, why not po? And lagi ko pong gustong i-challenge ‘yung sarili kung hanggang saan po ang kaya ko.”
Kasama ni Erich sa movie sina Jericho Rosales at Jasmine Curtis Smith. Produced by TEN17P and directed by Paul Soriano, ang “Siargao” ay mapapanood sa mga sinehan nationwide bilang bahagi ng MMFF 2017 simula sa Pasko, Dec. 25.