SARIAYA, Quezon – Isang empleyado ng crushing plant dito ang namatay Linggo ng gabi, makaraang barilin ito ng mismong security guard ng planta.
Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima na si Rodel D. Regalado, 24, checker sa Laborte Crushing Plant, at ang security guard na si Rey M. Novorra sa plant site sa Sitio Crossing, Barangay Bukal bandang alas-8 ng gabi, ng bigla itong magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa paputukan ng suspek ang biktima.
Dead on the spot si Regalado na nagtamo ng tama ng bala sa leeg.
Pinaghahanap na ngayon ng pulisya si Novorra na dagling tumakas. (Danny J. Estacio)