DAVAO CITY – Dumulog sa Regional Anti Cybercrime Division Office 11 ang isang radio anchor dito makaraan diumano itong makatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay via text message Lunes galing sa mga hindi pa kilalang tao.
Sa statement na nilabas ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) nitong Martes, sinabi ni Kathyrine Xerxis M. Cortes, 28, radio anchor ng Radyo ni Juan, na nakatangap siya ng mga nakakabahalang text message makaraan tuligsain niya sa kanyang 5-minute segment “Morning Review” ang pictorial ni Isabelle Duterte, apo ng Pangulong Duterte, sa Malacañang Palace dahil sa “inappropriateness” at “excessive display of wealth” na inihambing niya sa lavish lifestyle ng mga Marcoses noong panahon.
Sa unang message, sinabihan diumano ang anchor na: “Hinay2 lang bata ka pa! Cge ka pa pagda0t sa gbyerno murag ka korek! Undangi na inyong pagdpig sa komunista! (Go slow, you are still young. You keep on criticizing the government as if you are always right. Stop siding with the communists!).
Sinundan pa ito ng isang mensahe: “undangi na iny0ng kabuang, oi! basin di namo maabtan 2018 klaro kaayo mo kumunesta!”(Hey, stop with your craziness. You might not live long enough to see 2018 [as] it is clear you are a communist!)
Nauna ng umani ng batikos ang pictorial ng anak ni Vice Mayor Paolo Duterte sa ex-wife nitong si Lovelie Sangkola Sumera, sa social media. (Antonio L. Colina IV)