Apat na katao ang sugatan, kabilang ang dalawang bumbero, habang 36 na pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na sumiklab sa isang residential area malapit sa isang public market in Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City, noong Miyerkules ng umaga.
Ayon kay Senior Supt. Manuel Manuel ng Bureau of Fire Protection-Quezon City, nagsimula ang sunog dakong 7:55 a.m. sa bahay ni Renante Llamis na nasa third floor ng isang three-storey residential building sa Don Julio Gregorio Street malapit sa Barangay Bagbag Public Market.
Nagtamo si Rizalina Bayola, 45, ng first degree burn sa kanang pisngi at braso habang sinisikap niyang sagipin ang kaniyang mga kagamitan sa loob ng bahay.
Isa pang residente na nakilalang si Darwin Tagana ang nasugatan sa kanang binti.
Samantala, na-irita ang mata ni Fire Officer 1 Augusto Cariaga habang nagtamo ng first degree burn sa kaliwang braso si FO3 Adrian Adonis Darnayla sa kasagsagan ng sunog. Tinatayang nasa R300,000 ang ha (Alexandria San Juan)