By Johnny Decena
Bago ang lahat, bumabati muna ang SILIP “Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon” sa inyong lahat!!!
Naaalala ko na naman noong unang mga panahon nang di pa lumilipat ang tatlo ng karerahan sa probinsya at may karera tuwing bisperas ng Pasko… karamihan sa atin ngayon ay di na yata nagkikita- kita… kamustahin natin sila.
May 13 Races tayo ngayong Sabado sa Santa Ana dubbed as the Philracom PRCI Racing festival… patuloy pa rin ang guaranteed prize of P130,000 to the winner only.
Bukas Linggo, itatanghal dito ang P2.5 Million ”Juvenille Championship”.
Itatakbo sa layung 1,600 meters or 1 mile, ang mga entries dito ay ang couple entry Royal Signal/Soto Signal, Aprodiac/Speedmatic, Sweet Dreams/Disyembreasais, Facing Dixie, The Barrister, Goldsmith, Victorious Colt at couple entry Misha/Properity.
Babanggitin ko na rin at sa darating na Linggo, Dec. 31, itatanghal naman ang P1.Million Philracom Grand Spirit Championship sa Metro Manila.
Sa mga di nakapag karera noong Huwebes sa San Lazaro, ang WTA covering Races 1 to 7 ay nagbigay pa nang magandang premyo ng P10,960.40
Nagsipanalo rito ay ang Shelltex Magic, Isa Pa Isa Pa, One eyed Jane, Kita Muna, Single Flower, Be Humble, at King Gil or combinations 7-6-8-4-6-5-1.
Binabati ko nga pala ang aking panganay na anak na si Daisy Decena na magse-celebrate ng kanyang kaarawan bukas Dec. 23. Happy Birthday!
One more with feelings ”Maligayang Pasko sa inyong lahat!”
So there… Good luck, see you guys at Samson’s Billiard and/or at Obet Dela Paz OTB at Marick, Cainta.