By Ruel J. Mendoza
KABILANG ang South Korean actor at bidang GMA primetime teleserye na “My Korean Jagiya” na si Alexander Lee sa nagulat at nalungkot sa pagkamatay ng lead vocalist ng K-pop group na SHINee na si Kim Jong-hyun.
Sa magkasunod na tweets noong Dec. 18, pinaramdanm ni Xander ang kanyang panghihinayang sa biglaang pagkamatay ng fellow K-pop artist.
“My heart is so heavy.. I personally don’t know him but being the same 2008’s, my heart is truly broken.. I remember him as a talented guy who was strong n aggressive on TV shows… the main voice of Shinee.. I don’t understand… May God bless his family n fans with peace.. #RIP”
“I honestly ain’t taking this news too well.. Affecting me a lot.. I think it’s about time we realize n learn something… Pay attention to the one’s around u… and damn u showbiz… Sigh, I think I need to pray…”
Miyembro ng isa sa pinakamalaking boy band ng South Korea na SHINee si Jong-hyun.
Ayon sa Korean Herald, natagpuan ang 28-year old singer na unconscious sa kanyang apartment in Seoul, Korea. Dinala ito agad sa ospital pero wala na itong buhay.
Sa ginawang imbestigasyon ng mga pulis, posibleng suicide ang cause of death ni Jong-hyun.
Ayon pa sa AFP news agency, ang kapatid na babae ni Jong-hyun ang unang naalarma nang nabasa niya ang ilang text messages na pinadala sa kanya ng yumaong singer.
Isa raw sa mensahe ay nagsasabing “this is my last farewell.”
Kasabayan ni Xander si Jong-hyun noong 2008 nang i-launch ang mga kinabilangan nilang boybands na U-Kiss at SHINee.
Hindi lang singer si Jong-hyun kundi dancer at songwriter din.
Noong 2015, nagkaroon ito ng successful na solo career.
Naging very vocal din si Jong-hyun sa kanyang mga opinion, lalo na kung tungkol sa education policy ng gobyerno at sa karapatan ng LGBT community.