By Ruel J. Mendoza
MAY mga madi-disappoint dahil wala ang aktres na si Dawn Zulueta sa Parade of Stars ng 2017 Metro Manila Film Festival ngayong Dec. 23.
Leading lady si Dawn ni Vic Sotto sa 2017 MMFF official entry na “Meant To Beh.” Kaya hindi makakasama si Dawn sa parade ay dahil nakalipad na ito for New York para doon mag-Pasko kasama ang pamilya niya.
Lumipad si Dawn kasama ng kanyang mister na si Anton Lagdameo at ng dalawa nilang anak for New York City noong nakaraang Dec. 21.
White Christmas daw kasi ang gusto ng mga anak nila Dawn at Anton kaya tinupad lang daw nila ang wish ng mga ito.
“Matagal na rin kasi kaming hindi nakapagbakasyon abroad.
“I’ve been busy and even Anton. Kaya ‘yung mga kids, wish nila this Christmas is we spend it sa ibang bansa naman.
Para maiba naman daw.
“Kaya two weeks din kami roon kaya it will be fun for all of us.
“Kaya sobra akong nag-sorry sa cast and crew ng ‘Meant To Beh,’ lalo na kay Bossing Vic kasi hindi ko sila makakasama sa parade.
“Naka-schedule na kasi talaga kami na mag-Pasko sa New York, eh nagkataon dumating ang ‘Meant To Beh’ and I really had fun doing the movie.
“Sa totoo lang, na-miss ko ang sumakay sa float.
“I think mga three times din akon gnagkaroon ng movie sa MMFF and three times din akong nakasakay ng float.
“Nakaka-miss ‘yung saya ng gano’n kasi you get to connect with your fans.
“I just pray that our movie is successful and I also pray for the success of the other entries.
“Let’s come together and be one this Christmas,” ngiti pa ni Dawn.
Nanalo na si Dawn ng best actress award sa Metro Manila Film Festival noong 1993 para sa pelikulang “Kung Mawawala Ka Pa” na produced ng Reyna Films.