By RUEL J. MENDOZA
NEVER daw pinangarap ng bida ng 2017 Metro Manila Film Festival na “Meant To Beh” na si Vic Sotto ang magdirek ito ng pelikula or isang TV show.
Kuntento na raw siya sa harap ng kamera bilang artista at sa likod ng kamera bilang producer.
“Ayoko rin kasi ng stress. Alam mo naman ang maging direktor, mahirap na trabaho ‘yan. Hindi madaling trabaho ‘yan.
“Okey naman ako sa kinalalagyan ko. ‘Yung maging producer na lang matrabaho na. Ayoko pang dagdagan ang pagod ko.
“May mga taong pinanganak para maging director talaga.
“Mahirap nang pasukin ang isang bagay na wala naman akong masyadong alam,” sey pa ni Bossing Vic.
Kung may babalikan daw si Bossing na dating ginagawa niya, iyon ay ang magsulat ulit ng mga kanta. Lead vocalist si Bossing Vic ng grupong VST & Co. noong ‘70s and ‘80s.
Ilan sa mga naging nasulat niya ay ang mga songs na “Ipagpatawad Mo,” “Awitin Mo At Isasayaw Ko,” “Rock Baby Rock,” “Kung Sakali, Ikaw Lang Ang Aking Mahal,” “Tayo’y Magsayawan,” “I-Swing Mo Ako,” at marami pang iba.
“Yun kasi ang trabaho namin noon ni Pareng Joey (de Leon).
“Si Tito (Sotto) kasi noon, may posisyon siya sa Vicor Records. Kaya kapag kailangan nila ng mga bagong materyal, sa amin siya ni Joey kumukuha.
“Eh ang bayaran noong araw, R150 per song. Kaya kailangan damihan namin para malaki ang bayad namin.
“Masarap balikan din ang songwriting. Kapag naglambing si Mr. T (Tony Tuviera) na gumawa ako ng kanta, ginagawa ko naman.
“Tulad noong ‘Imagine You & Me,’ ginawa namin iyon para sa pelikula nila Alden Richards and Maine Mendoza. Mga gano’ng klase lang.
“Kapag may humiling naman, siguro makakagawa pa rin tayo,” pagtapos pa ni Vic Sotto.