By LAILA CHIKADORA
Winner bilang Best Supporting Actress si Jasmine Curtis-Smith sa katatapos lang na MMFF Gabi ng Parangal. Hindi daw niya inaakalang mananalo siya at magbubunga ang mas improved acting abilities niya! In her exact words… “Hindi ko naman ine-expect na ako yung makakakuha ng karangalan na ito, so napakasaya ko ngayon kasi meron pa pala! meron pa pala akong iimprove!”
Sa kanyang acceptance speech, nagpasalamat si Jasmine sa kanyang ever supportive boyfriend na si Jeff Ortega na pinagtiyagaan pa siyang turuan na mag-surfing para sa ikagaganda ng pelikula!
Nabanggit din ni Jasmine na “blessed” siya dahil kahit na wala siyang mother network, ay nakakakuha pa din siyang mga magagandang proyekto! Nakadagdag din daw sa confidence level niya ang Best Supporting Actress Award. Sana daw ay magsilbing paalala sa lahat ng mga taga showbiz na habang artista… may pag-asa! Say ni Jasmine, “Sa mga taong walang network, hindi sila dapat na ma-discourage nawalang pag-asa sa pag arte, sa pagiging parte ng isang malaking proyekto kasi kenasa TV ka o wala kung magaling ka sa ginagawa mo, hahanap hanapin ka at ng direktor at ng tao sa industriya”
* * *
Direk Paul, dismayado sa mga gumagawa ng chismis na may something sila ni Erich Gonzales!
Napunta sa first timer ng MMFF na si Direk Paul Soriano ang parangal bilang Best Director na inulan pa ng intriga dahil sa pagkaka-link niya umano sa isa sa mga leading ladies ng pelikula nilang Siargao na si Erich Gonzales! Say niDirek Paul, “Its unfortunate na ang mga tao, they make stories pero we, we’re in Siargao we were making a movie and as you can see we made a pretty good movie yun lang ang focus sana.
Hindi na bago ang intrigang ganito para kay Direk Paul lalo pa’t minsan na siyang na-link kay Maja Salvador na nagging bida naman sa isa sa kanyang pelikulang “Thelma”. Sana daw ay irespeto natin ang mga kababaihan at huwag nang gawan pa ng intriga. “Maja and Erich they’re beautiful people! They’re very professional and we have to give them respect, they’re women, I don’t want to take away from the acting and the work that they do kasi they’re great actresses.”
Pinabulaanan din niDirek Paul na nagkaroon sila ng tampuhan ng asawang si Toni Gonzaga at hindi nito tinapos ang panonood sa premiere night ng pelikulang Siargao. Explain ni Paul, sabay sa taping ni Tin ang premiere kaya humabol ito sa bloggers screening sa Makati at tinapos ng kanyang asawa ang pelikula. Wala daw bahid ng pagseselos sa katawan si Toni over Erich kahit pa nalilink si Paul sa lead actress ng Siargao dahil isa sa basic ingredients ng buhay mag-asawa nila ay ang pagtitiwala sa isa’t isa.