ANSWERED prayer ang pagkakaroon ng lovelife ni Sheena Halili. For the longest time, after ng break-up nila ni Rocco Nacino, walang ibang naging boyfriend si Sheena.
Kapag tinatanong siya about her lovelife, “Zero o wala,” ang sagot ni Sheena. Hanggang dating lang siya.
Bago natapos ang 2017, ipinost ni Sheena sa social media na in a relationship siya. Ipinost niya ang pictures nila together ng BF niya na Jeron Uy Manzanero ang name. Isa itong lawyer.
Ang caption: “Isang madiin na halik ng kasiyahan, pasasalamat at pagmamahal para sa lalakeng bumuo ng mundo kong Ikaw na lang ang kulang. Ikaw ang sagot sa malaking puwang sa puso kong sumisigaw ng Lord, pengeng lovelife.
“Tatapusin ko ang 2017 ng TAYO ang laman at umpisahan ko ang 2018 na sana TAYO na hanggang walang katapusan.”
Pinasalamatan ni Sheena si Maine Mendoza na natupad ang wish nito for her na magka-lovelife na. Nagkatrabaho sila sa “Destined to be Yours” at naging magkaibigan.
Baby girl
Magkatotoo sana ang hula ng isang psychic na baby girl ang isisilang ni Jolina Magdangal months from now. Second baby nila ito ng husband niyang si Mark Escueta ng Rivermaya band.
Ang ganda ng aura ni Jolina. Napakamaaliwalas ng kanyang mukha na kasabihang kapag gano’n ang isang pregnant woman ay baby girl ang isisilang nito. Wish naman talaga ni Jolens na baby girl dahil boy ang panganay nilang si Pele, now four (or 5?) years old.
Inamin na
Inamin na rin ni Ellen Adarna na “sila” na ni John Lloyd Cruz. Sa post niya sa social media, sino raw ang mag-aakalang magiging “sila?”
Hindi lang inamin ni Ellen kung totoong buntis siya. Sa lumabas na family picture ng mga Adarna na kuha sa bahay nila sa Cebu ay kasama si John Lloyd. ‘Yung isang kuha ay nakaupo si Ellen sa sofa kahanay ng kanyang parents. Bahagya siyang natatabingan ni JLC na parang itinatago ang kanyang tiyan.
‘Yung isa namang pose ay malaking Christmas tree ang background at nakatayo sila. Maluwang na black t-shirt at pantalon ang suot ni Ellen. Kung dati’y halos ibilad niya ang kanyang katawan sa mga ipinopost niyang pictures sa socmed, maluluwang na damit ang suot niya ngayon.
May tsika pang diumano, sa April or May manganganak si Ellen. Abang-abang na lang.