By LAILA CHIKADORA
Langgam na lang ang kulang sa sobrang kasu-weetan ng mag-asawang Ogie at Regine Alcasid sa presscon ng #paMORE ang kanilang Valentine concert kung saan makakasama nila ang mga kapwa balladeer na sina Martin Nievera at Erik Santos. Sa isang bahagi ng presscon, hinalikan sa pisngi ni Ogie si Regine.
Kinuwento din ng song bird na araw-araw siyang pinakikilig ng kanyang asawa at must daw yun sa mga married couples! Say ni Reg, “I think… its not just Valentine’s Day na pinakikilig mo ang spouse mo o GF o BF mo, ang pangit naman kung Valentine’s lang magpapakilig.”
Naikuwento pa ni Regine na kahit na married na sila ni Ogie ay parang nasa ligawan stage pa rin sila. Uso pa din daw ang pagbibigay ng bulaklak at regalo kahit na walang okasyon at madalas pa din daw silang magdate ni Ogie! Say ni Regine, may mga moments daw na itetext siya ng asawa. “He texts and asks me if, can I date you? and I answer, I’ll ask my parents.”
Speaking of date, mukhang no kids allowed sa birthday ni Regine. Kahit na sa April pa ito ay pinaplano na daw ni Ogie na masolo ang asawa sa Bora.
Dagdag pa ni Regine… para spicy pa din ang married life, dapat daw ay may pa-mysterious moment ka pa din sa iyong asawa.
Sa Feb 10, 2018 ang concert nina Martin, Ogie, Regine at Erik sa MOA Arena. Available pa, pero almost sold out na ang mga tickets kaya buy na!
Ogie Alcasid at Piolo Pascual posibleng magkatrabaho sa isang pelikula na pang Cinemalaya!
Pagkatapos ng very short pero ma-impact na role ni Ogie Alcasid sa MMFF 2017 Best Picture na “Ang Larawan” sobrang excited and just can’t hide ng singer songwriter ang nararamdaman nang ibinahagi niya sa presscon ng upcomming Valentine concert na #paMORE na muli siyang gagawa at magpo-produce ng pelikula na magiging entry sa Cinemalaya 2018! Chika ni Ogie, may nagsubmit daw sa kanya last year ng script para sa pelikulang “Kuya Wes” na tailor fit para sa kanya ang role. Nagustuhan naman agad ng singer songwriter ang script kaya ini-upo niya ang mga nasa likod nito. “I really loved it! It was something that I really wanted to do! Pero may kinakailangan silang budget for the film.
Posibleng magkatrabaho naman sina Ogie at Piolo Pascual sa gagawing pelikula dahil inalok ni Ogie ang pagko-co produce ng pelikula sa Spring films, ang production outfit nina Piolo Pascual, Erickson Raymundo at Bb. Joyce Bernal.
Mukhang may future naman daw at magbubunga ang pag-uusap nila ni PJ! Say ni Ogie, “Nung binasa ni Joyce, mukha naman silang interesado, mag-uusap pa kami ulit ni PJ after ng concert, parang may interest sila, ang una nilang sinabi sa akin ay they want to co-produce with me and sana matuloy!