By RUEL J. MENDOZA
MAGANDA ang aura ng aktres na si Snooky Serna nang dumating ito sa press conference ng GMA primetime teleserye na “The One That Got Away.”
Kitang-kita na masaya at very much in love ito sa kanyang boyfriend of two years na si former vice governor of Bulacan na si Ramon Villarama.
Nakaka-relate si Snooky sa tema ng “The One That Got Away” dahil gano’n daw ang nangyari sa kanila ni Ramon noong una silang nagkakilala 25 years ago.
“Ramon was the one that got away. And we started dating again noong 2015 when we were able to connect with one another again.
“I always say that its destiny that made me and him meet again after such a long time,” ngiti pa niya.
Naging magandang impluwensya nga raw si Ramon sa aktres dahil natuto na raw itong hawakan ng maayos ang pera niya.
“Ramon taught me how to make handle my finances.
“I admit na kalat ako when it comes to money. But with him around, natuto akong mag-ipon and to think twice or thrice bago ako gumastos sa isang bagay.
“Tinuruan din niya akong to invest my money wisely. Ngayon may pinasok ako na business na pinagdarasal ko na maging successful,” ngiti pa niya.
Ang kulang na lang daw kina Snooky at Ramon ay ang magpakasal.
Pero dahil magkaiba pa ang relihiyon nila, ‘yun ang magiging hadlang sa magiging forever na pagsasamahan nila.
“I’m with Iglesia Ni Cristo and Ramon is Catholic.
“But what’s good about him, sumasama siya sa akin kapag may samba kami. Alam na rin niya ang mga gawain ng isang kasapi sa INC.
“Kung magpapa-convert siya, that is all up to him.
“Walang pilitan ito because religion na ang usapan, eh.
“As long as he respects my beliefs, walang magiging problema.
“Napapansin ko naman na he’s getting interested na sa INC. Nagtatanong-tanong na siya about it.
“That is good kasi he’s discovering it by himself. I will support him in whatever he decides on,” pagtapos pa ni Snooky Serna.