Nagsalita na ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa mga naging daring scenes ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado sa pelikulang All Of You with Derek Ramsay.
May isang eksena kasi na topless si Jen habang kaeksena nito si Derek.
Inamin ni Dennis na hindi niya pinanood ang pelikula ni Jen pero sinuportahan naman niya ito noong ipalabas noong December 25, 2017.
“Nandu’n palagi ‘yung suporta ko sa kanya. Hindi ko man mapanood, siguro may ma-miss ako pero lagi akong nakasuporta,” diin ni Dennis.
Hindi naman daw nagselos si Dennis dahil alam niyang trabaho lang ang lahat.
“Siyempre, well eksena ‘yun na kailangan mong gawin so wala naman sigurong kailangang ikagalit du’n or pag-awayan dahil siyempre ‘yun ‘yung nagbabayad sa mga bills namin. Trabaho ‘yan eh,” ngiti pa ni Dennis.
Secret naman daw ang naging regalo ni Dennis kay Jennylyn noong nakaraang Pasko. Pero ito raw ang the best gift na natanggap niya.
“Siguro gift ni Jen sa akin. Hindi ko na lang sasabihin pero siya kasi ‘yung tao na talagang sobrang galante niya na pinag-iisipan niyang mabuti kung ano ‘yung bagay na ‘pag natanggap mo, matutuwa ka talaga,” sey niya.
Nag-out of town trip kamakailan sina Dennis at Jennylyn dahil hindi sila nakapagbakasyon noong nakaraang New Year dahil pareho silang may trabaho.
“Naging very busy rin kami noong Christmas at New Year.
“Kainan lang sa mga kani-kaniyang bahay. Pumunta kami sa kanila, tapos sila naman pumunta sa amin, nu’ng 24. New Year naman, kainan pa rin, siyempre puro fiesta eh.
“Pero hindi kami masyadong nakapag-quality time nu’ng New Year dahil may kani-kaniya kaming ginawa pero meron kaming trip na gagawin,” pagtapos pa ni Dennis Trillo na bida sa bagong teleserye ng GMA-7 na The One That Got Away.