by Rowena Agilada
ISA si Sarah Geronimo sa guest performers sa pre-Valentine concert nina James Reid at Nadine Lustre billed “Revolution: The JaDine Concert.” Gaganapin ito sa Smart Araneta Coliseum on Feb. 9.
Ani Nadine, excited siya at looking forward sa production number nila ni Sarah. Ayaw niyang i-pre-empt na aniya, basta kaabang-abang at tiyak na magugustuhan ng concert goers.
May sorpresang pasabog din ang JaDine. Ani Nadine, parehas silang hands-on ni James sa preparation, sa concept at sa repertoire na magpo-promote ng love dahil pre-Valentine concert ‘yun. Tinitiyak nilang ang gabing ‘yun ay magiging unforgettable upbeat production numbers at heart-melting romantic moments.
Magkakaroon ng provincial tour ang “Revolution” concert in April. Magkakaroon din ng US tour in May.
This mid-January, papuntang London sina James at Nadine para mag-shoot ng kanilang movie, “Never Not Love You.” Romance-drama love story ito ng millennials na si Antoinette Jadaone ang direktor.
May magkahiwalay ding pelikulang gagawin sina Nadine at James. Dalawang pelikula ang gagawin ni Nadine, “Ulan” na si Irene Villamor ang direktor at “The Nurse” with Jun Lana at the helm.
Dalawang pelikula rin ang gagawin ni James. “The Granny (20 Again)” with Sarah Geronimo at “Pedro Penduko.”
Kung kakayanin pa ng kanilang schedule, nakatakda ring gumawa ng teleserye sa ABS-CBN ang JaDine na si Dan Villegas ang direktor.
Feeling blessed
Feeling blessed si Jameson Blake sa pagpasok ng 2018. May next project agad siya sa Regal Entertainment after “Haunted Forest,” entry sa katatapos na Metro Manila Film Festival.
Mapapanood si Jameson sa “Mama’s Girl” with Sylvia Sanchez, Sofia Andres, and Diego Loyzaga. Showing ito on Jan. 17 na first offering ng Regal Entertainment ngayong 2018.
Jameson plays Zak, isang rockstar bad boy na ka-love triangle nina Nico (Diego Loyzaga) at Abby (Sofia Andres).
Feeling ba niya’y paborito siya ng Regal Entertainment? “Ewan ko,” sambit ni Jameson. “Maybe, naniniwala lang sina Mother Lily at Roselle Monteverde sa kakayahan ko. Thankful ako sa kanila.”
Hashtag member si Jameson na aniya, for now, wala siyang planong tumiwalag sa grupo. Nag-e-enjoy siya kasama ang mga ito.
Ani Jameson, feeling niya noon na wala siyang talent. Wala siyang self-confidence. Noong nasa PBB house siya, unti-unti siyang nagkaroon ng tiwala sa sarili at natutunan niyang umarte. “Napag-aaralan naman pala ang pag-arte. Gusto ko pang mag-workshop to hone my craft,” ani Jameson.