By Liezle Basa Iñigo
CABATUAN, Isabela – Isang 14-anyos na out-of-school-youth ang napatay sa pamamaril rito Martes ng gabi.
Ayon sa pulisya, masayang naglalaro ng computer games ang biktima na si Harold Gasmen sa MGV Poorboys Computer Shop sa Centro, Cabatuan bandang 8:45 ng gabi ng bigla na lamang ito ng pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki na parehong nakasuot diumano ng bullcap.
Naitakbo pa si Gasmen sa Cabatuan Family Clinic and Hospital nguni’t binawian din ito ng buhay.
Samantala, na-recover naman ng mga awtoridad ang tatlong basyo ng bala na hinihinalang galing sa isang caliber .45 sa crime scene.