HINDI lang once, but twice naming nasubukan ang kabutihang tao ni Dennis Padilla. Sa isang mall sa QC, nasa Playland si Dennis kasama ang five-year old son niya sa kanyang second wife. Maglalaro ang bagets at nakasabay nito ang isang 9-year old girl.
Super friendly ang anak ni Dennis na agad nilapitan ang batang babae. Nang tanungin ni Dennis kung sino ‘yun, “my playmate” ang sagot ng kanyang anak. Ang ginawa ni Dennis, dalawang tiket ang binayaran niya para makapaglaro ang dalawang bagets na doon lang nagkakilala.
Pati ang 4-year old sister ng little girl ay binayaran din ni Dennis ang tiket kahit strangers sa kanya ang magkapatid. ‘Andun naman ang parents ng mga ito na dapat magbayad. Wala ring kiyemeng nagpa-picture ang komedyante.
Ang dalawang little girls ay kamag-anak namin, kaya nalaman namin ang kuwento sa kabutihan ni Dennis.
Kami mismo ay naging saksi sa kanyang kabutihan. Galing kami noon sa isang presscon na dinaluhan din niya. Pagkatapos nito’y nag-abang na kami ng taxi pauwi. Nakita ni Dennis na tinanggihan kaming isakay ng driver, kaya lumapit siya.
Sinabi niyang “Tol, pinsan ko ‘yan (kahit hindi naman). Isakay mo na.” Hindi naman kami close ni Dennis at hindi nga namin siya nainterbyu sa presscon.
Ipapamukha
Sana nga, magkatotoo ang sinabi ni Angelica Panganiban sa guesting niya sa “Magandang Buhay” na pagbalik niya sa naturang programa ay ikakasal na siya. Ipapamukha raw niya sa mga lalaking nanakit sa kanya.
Guest din ang friend niyang si John Prats. Sasabihan daw niya ang next na magiging boyfriend ni Angelica na, “Huwag mong lolokohin ‘yan.” “Sinabi mo na ‘yan sa huling nakarelasyon ko,” words to that effect na buwelta ni Angelica.
Nagbabasa ka ba John Lloyd Cruz?
Sabi pa ni Prats, masuwerte ang lalaking pakakasalan ni Angelica dahil buhos itong magmahal. Sinasabayan nito ang gusto/hilig ng lalaking mahal nito.
Wish ni John na makatagpo na si Angelica ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya. Sana nga!
Sirena
Nalalapit na ang pagtatapos ng “Super Ma’am,” at thankful si Barbie Forteza na nakapag-guest siya. Isang sirena (as Pearly) ang ginagampanan niya na may kakayahang mag-anyong tao.
Dream role niya ang makaganap bilang mermaid, kaya thankful siya na naging bahagi siya ng “Super Ma’am” sa pagtatapos nito. Ano kaya ang magiging koneksiyon niya kay Super Ma’am at sa mga mababait na tamawo? O, may dala siyang bagong kaaway?