By CZARINA NICOLE O. ONG
Pinag-utos ng Office of the Ombudsman ang anim na buwan na pagkakasuspinde ni Cagayan de Oro City Councilor Zaldy Ocon makaraan mapatunayang guilty ito ng Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Maliban sa suspensiyon, nakitaan din ng Ombudsman ng probable cause si Ocon na maharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Article 359 of the Revised Penal Code o Slander by Deed.
Nagsimula ang lahat noong Nov. 30, 2016 ng isyuhan ng violation ticket ni Ric Emmanuel Agustin, enforcer ng Cagayan de Oro Roads and Traffic Administration (RTA) si Ocon nang mahuli niya itong nag-park ng sasakyan sa isang “no parking zone.”
Nagalit umano si Ocon at itinapon ang violation ticket. Sinampal din nito si Agustin.
Nasaksihan ito ng overseer ng RTA na si Atty. Jose Uy, kaya mas lalo pang napatunayan ang ginawa ni Ocon na ayon sa Ombudsman ay nakasira sa imahe niya bilang konsehal.