By Glen P. Sibonga
Kakaiba raw ang pakiramdam ayon kay Matt Evans ngayong hindi lang siya artista kundi isang negosyante na rin kasama ang kanyang asawang si Katrina Fariñas Favis-Evans. Nag-grand opening noong January 18 ang kanilang BeauteLab by BeauteDerm malapit sa Fariñas Trans Terminal sa Lacson Avenue, Sampaloc, Manila. Matatagpuan sa store ang iba’t ibang produktong BeauteDerm, kung saan isa sa ambassadors si Matt.
“Sobrang overwhelming, pero stressful din po. Sabi ko nga po, ‘Ganito pala ang pakiramdam ng ibang nagnenegosyo, talagang abalang- abala.’ Pero good stress naman kasi nga negosyo siya, kumikita ka at the same time nage-enjoy ka.
Hindi pa nga nakatayo yung store ng BeauteDerm ang dami nang umoorder. Iyan po ang pinagkakaabalahan ngayon ni misis.
Marami na po kasi talaga ang users ng BeauteDerm e,” sabi ni Matt.
Sinamahan si Matt ng kapwa niya BeauteDerm ambassador na si Carlo Aquino sa meet and greet kasabay ng opening.
Present din ang CEO at owner ng BeuteDerm na si Rhea Anicoche Tan, at ang isa pang Beaute Derm ambassador at aktres na si Shyr Valdez.
Double opening nga itong mga negosyo ni Matt dahil nagbukas narin ang puwesto niyang Potato King, na katabi ng BeauteLab by BeauteDerm.
Thankful si Matt kay Rhea ngBeaute Derm. “Alam na po ni Manang lahat ng pasasalamat namin. Lahat yatang thank you nasabi na namin kay Ma’am Rhea. Kasi sobrang generous niya, and eto pong ibinigay niya sa aming opportunity, kakaiba talaga ito. Malaking inspirasyon siya sa amin dahil hindi lang sa business niya kami gina-guide kundi maging sa personal at family life.”
Pagdating naman sa kanyang showbiz career, dapat daw abangan ng mga tao ang bago niyang teleserye sa GMA-7, ang Sherlock Jr., kung saan gaganap siyang kontrabida ni Ruru Madrid. Kasama rin siya sa pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral.