By Ruel J. Mendoza
HINDI napigilan maiyak ng Kapuso actor-singer at Protégé runner-up na si Mikoy Morales sa press conference ng bagong fantasy series ng GMA-7 na “Sirkus.”
Biggest break ni Mikoy ang “Sirkus” kunsaan gumaganap siya bilang isa sa kambal na may tinatagong lihim sa kanilang pagkatao.
Matagal raw hinintay ni Mikoy ang big break na ito at nagpapasalamat siya na dumating ang “Sirkus” sa pagkakataon na kailangan niya ito.
“Nagkaroon ako ng kakaibang confidence because of ‘Sirkus.’
“Feeling ko kasi before na hindi ako magaling na aktor. Parang may kulang sa akin. Parang hindi pa sapat ang talent na pinapakita ko.
“Ilang years ko ring naramdaman ‘yan. Pero I always pray na sana mabigyan ako ng magandang break.
“Kaya po thankful ako sa GMA-7 for giving me ‘Bubble Gang’ and ‘Pepito Manaloto.’ Na-prove ko na kaya kong mag-comedy. Ngayon naman, I want to show them na kaya kong mag-drama and ‘Sirkus’ came at a right time sa buhay at career ko as an actor,” diin ni Mikoy.
“Ang ganda ng ‘Sirkus’ at lahat kami, we worked so hard para makabigay kami ng magandang istorya na may halong magic at fantasy,” diin pa niya.
Pinagmamalaki ni Mikoy ang magandang special effects ng “Sirkus” at pati na ang malaking cast nito na pinangungunahan ni Ms. Cherie Gil bilang si La Ora.
Nagkuwento si Mikoy ng first encounter niya kay Cherie noong contestant pa lang siya sa “Protégé: The Battle For The Big Artista Break” in 2012.
“Isa si Ms. Cherie sa umupong judge sa first big show namin for ‘Protégé.’ Doon namin nilabas ang talents namin sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte.
“Ms. Cherie was the one who told me na I can make it as a versatile actor in this business.