By Ruel J. Mendoza
Okey lang para sa Kapuso comedienne na si Chariz Solomon na tanggapin ang fantasy series na Sirkus kunsaan gumaganap siya bilang si Astra, dahil once-a-week lang daw ang taping nito.
Hindi raw tulad ng teleserye na three times a week na hindi na niya kakayanin pa.
“Actually, na-miss ko ang mag-taping ng teleserye. ‘ ‘Yung last teleserye ko was noong 2015 pa, Kailan Ba Tama Ang Mali. Tapos nabuntis ako sa second baby namin.
“Since then, di na ako tumanggap ng teleserye dahil nahihirapan na ako.
“Ang hubby ko, lagi niya akong pinu-push na tumanggap ng teleserye. Ako na ang tumatanggi kasi mahirap na dahil three times a week ang taping.
“Mawawalan ako ng time for my kids. Ang hirap na the whole week nagtatrabaho ako. Hindi na iyon para sa akin.
“Siguro kung wala pa akong anak at single pa ako, okeys a akin yon. Kahit anong raket tinatanggap ko.
“Iba na ngayon kasi. Priority ko naa ng family ko at ang kalusugan ko.
“Aanhin ko naman ang maraming pera kung ibabayad mo lang lahat sa ospital, ‘di ba? Tsaka ‘yung hindi mo na makita ang mga anak mo.
“Kaya okey nasa akin itong tatlong shows na isang beses lang ang taping sa buong linggo.
Nababalanse ko ang time sa work at sa pamilya ko,” diin pa ni Chariz na napapanood din sa weekly comedy shows na Bubble Gang at Pepito Manaloto.
Dahil sa sipag ni Chariz, naibili niya ng bahay ang kanyang ina para dito na raw sa Pilipinas ito manirahan.
“Binili ko si Mama ng house sa kabilang street lang para malapit siya sa house namin.
“Pinapatigil ko nang mag-work si Mama sa Japan. Gusto kong nandito nalang siya sa Pilipinas kasama ‘yung isang kapatid ko.
“Tsaka ang isang dahilan ay para matulungan niya ako sa mga anak ko.
“Gusto rin naman niyang makasama ang mga apo niya kaya malaking ginhawa for me kung malapit lang siya sa amin.”