By Laila cHikAdora
Di man Pinoy ang nasa likod ng mga kantang “Thinking out loud”, “Shape of you” at “Perfect” ni Ed Sheeran, malapit siya sa puso natin dahil swak na swak sa mga love life at love story natin ang mga hit songs na ito. Ginamit pa ang single niyang “Thinking out loud” bilang theme song ng AlDub sa kalyeserye.
Ngayon, mas makabuluhan na ang kantang “Perfect”ni Ed Sheeran para sa love life niya! Inanunsiyo na kasi ni Sheeran na engaged na siya ang at girlfriend niyang si Cherry Seaborn na pagkabata pa lang ay kakilala na niya. High school pa lang sa Thomas Mills High School sa Framlingham, Suffolk ay magkakilala na ang dalawa. Pero nagkalayo dahil kinailangan mag-aral ni Cherry sa Amerika.
Sa kanyang post sa instagram nitong weekend ang caption sa photo ni Sheeran ay “Got myself a fiancé just before new year. We are happy and inlove and our cats are chuffed as well xx”
Long distance ang realtionship nila Sheeran at Cherry ngunit nang lumaon ay bumalik na din sa UK para makasama niya ang award winning singer!
Ang kanyang fiancé ang inspiration ni Ed sa paggawa ng ng mga kantang Shape of you at Perfect.
Sa ngayon, living together na ang dalawa. Say ni Sheeran sa isang interview sa officialcharts.com “We live together now, and I think that was a real help grounding me. I was a 25 year old in the music industry on tour so I just needed someone to balance me.”
Sa isang panayam naman kay Sheeran ng isang Australian Radio Show na “The Kyle and Jackie O Show” sinabi ni Sheeran na handa na siyang magpakasal kay Cherry at excited nang maging padre de pamilya. Say ni Sheeran “Massively, yeah. I wanted to become a dad, like last year!”