Mukhang ang yumaong ex-boyfriend ni Claudine Barretto na si Rico Yan ang greatest love ng aktres. Sa exclusive interview ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” inilahad ni Claudine na malaki ang naging epekto sa kanya ng pagkamatay ni Rico noong 2002.
Aniya, hindi siya nakapagluksa sa pagkamatay ni Rico. Matatandaang hindi siya nabigyan ng pagkakataon ng pamilya nito na masilayan ang labi ni Rico noong nakaburol ito hanggang nailibing.
“I was not able to say goodbye,” ani Claudine. Paminsan-minsan ay dumadalaw siya sa puntod ni Rico at nililinis niya ‘yun.
Five years together sina Claudine at Rico. Ang pagkamatay ng aktor ang nag-trigger para magkaroon ng panic disorder si Claudine. Feeling niya’y mamamatay na siya, nahihirapan siyang huminga, nalulunod, balisa o hindi mapakali.
Nasabihan daw siyang baliw, mentally-ill. Hindi raw alam (ng ibang tao) ang mental torture na pinagdaanan niya.
Matapang na inamin ni Claudine na kumunsulta siya sa isang psychiatrist. Hindi naman ibig sabihin ay baliw nga siya.
‘Yun ang misconception, kaya natatakot o nahihiya ang ibang may mental disorder na magpatingin sa psychiatrist.
May monthly therapy session si Claudine. Hopefully soon ay makakabalik na siya sa pagtatrabaho. Looking forward si Claudine na makatrabaho muli ang isa pa niyang ex-boyfriend at first love na si Mark Anthony Fernandez. Sinamahan pa niya ito sa opisina ng Viva Entertainment para makausap ang big boss na si Mr. Vic del Rosario.
Todo-workout ngayon si Mark sa isang gym matapos siyang makalaya sa Pampanga City Jail after one year.
‘Kaloka!
Si John Lloyd Cruz kaya ang ex-BF ni Angelica Panganiban na ikinuwento niya sa “Gandang Gabi Vice” ? Aniya, matapos ang premiere night ng “Ang Dalawang Mrs. Reyes” ay nagkayayaan sila ng ilang beki friends niya na kumain sa restaurant na madalas nilang kinakainan ng ex-BF niya.
Nalaman niyang may naiwan pa pala silang bill at pinababayaran sa kanya. ‘Yung iba raw ay may pirma niya at ‘yung iba’y pirma ng ex-BF niya.
‘Yung may pirma lang niya ang gustong bayaran ni Angelica. Pero nagbilin pala sa staff ng resto. ang kanyang ex-BF na pabayaran sa kanya ‘yung pinirmahan nito. “Ako ang pagbabayarin, hindi naman ako ang kasama niya ,” words to that effect na sabi ni Angelica. Ikaw ba ‘yun John Lloyd Cruz?