By Liezle Basa Iñigo
SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Isang gutom na aso ang nagturo sa labi ng isang teenager na nawawala rito mula pa noong Disyembre.
Ayon sa pulisya, nadiskubre ang lasog-lasog na katawan ni Melissa De Guzman, isang 15 anyos na grade 10 student na ini-report na nawawala ng kanyang mga magulang noon Disyembre 6, 2017, ng aso na pagmamay-ari ni Pedro Deola, 71, miyembro ng lupon barangay rito.
Ani Deola, una niyang nakitang tangay-tangay ng alaga niyang aso ang isang parte ng binti ng tao.
Isinumbong niya ito agad sa pulisya na siya namang nakakita sa iba pang parte ng katawan ng biktima sa loob ng bakuran ni Deola.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari.
Samantala, arestado ang isang hitman na wanted sa pagpatay ng isang intelligence officer.
Huli si Wilbert Castro, 36, sa Dagupan kung saan nakuha mula dito ang ilang mga baril, explosives at droga.
Bukod sa pagnanakaw ng motorsiklo, sangkot din si Castro sa pagpatay kay PO2 Jembo Agtarap noong isang taon.