No show sina AiAi delas Alas at Gabbi Garcia sa presscon ng “Sherlock,Jr.” Parehong may sakit ang dalawa, ayon sa isang GMA insider.
Ayon kay Ruru Madrid, biglang sumama ang pakiramdam ni Gabbi, kaya isinugod ito sa hospital. But nothing to worry about dahil hindi naman grabe ang kalagayan ni Gabbi.
Consistent si Ruru na hindi naging “sila” ni Gabbi. Close friends lang daw sila. Bulong sa amin ng isang reporter-friend ni Ruru, two years ng on ang dalawa.
Ayon pa kay Ruru, pareho na silang mature ngayon ni Gabbi. Alam na nila kung ano’ng dapat unahin…family at career muna. Out na muna ang lovelife. “Bata pa naman ako. Ayoko pang magka-girlfriend.”
Isang investigative reporter (Sherlock “Jack” Jackson, Jr.) ang role ni Ruru sa “Sherlock, Jr.” Isang veterinary clinic assistant (Lily Pelaez) naman si Gabbi. Mahilig siyang mag-join sa beauty contests.
Isang aso (Serena) ang best friend ni Ruru na aniya, in real life ay takot siya sa aso. Nakagat kasi siya noong bata pa siya. Noong mga unang araw ng taping niya kasama si Serena, medyo takot pa si Ruru na hawakan ito. Kalaunan, nasanay na siya dahil mabait naman ito.
Naging close na siya sa aso. Off-camera, nilalaro niya ito. Ayon pa kay Ruru, may sarili itong tent at may cut-off sa taping.
Tampok din sa “Sherlock, Jr.” sina Andre Paras, Matt Evans, Tonton Gutierrez, Kate Valdez, Roi Vinzon, Alyanna Asistio, Sharmaine Arnaiz, Rochelle Barrameda, Sofia Pablo. May special role si Janine Gutierrez. Directed by Rechie del Carmen, mapapanood na ang “Sherlock, Jr.” sa January 29 after “24 Oras” sa GMA Telebabad.
Naninibago
Medyo naninibago si Matt Evans sa pagtatrabaho sa GMA ngayong Kapuso na siya. He plays Dindo Carazo sa “Sherlock, Jr.” Mayabang siyang anak ni Tonton Gutierrez (as Senator Lawrence Carazo) at ginu-groom siya para maging politician din.
Character role si Matt na aniya, okey lang na kontrabida siya. Thankful siya na isinama siya sa “Sherlock, Jr.”
Aniya, magaan katrabaho ang co-stars niya at si direk Rechie del Carmen. Nagkatrabaho na sila noong pareho pa silang nasa ABS-CBN.
Nakakasama naman niya sa out-of-town shows ang ilang Kapuso stars na kasama niya sa “Sherlock, Jr.” “Kaunting adjustment lang sa pakikipagtrabaho sa kanila. Okey naman. Feel ko na welcome ako sa kanila, ”wika ni Matt.