By RUEL J. MENDOZA
HINDI inakala ng Kapuso hunk na si Martin del Rosario na mararanasan niya ang hirap ng pagpapaganda nang tanggapin niya ang magbida sa TV series ng Cignal TV na “Born Beautiful.”
Na-realize ng aktor na mahirap ang mga pinagdadaanan ng mga beki na gustong magmukhang babae.
Na-experience ni Martin ang isa sa pinakamahirap na ginagawa ng mga beki na balbon para magmukhang makinis, ang magpa-wax ng buong katawan!
Sa kanyang “Instagram Stories,” pinakita ni Martin ang kakaibang sakit na pinagdaanan niya sa pagpapa-wax ng katawan, legs hanggang sa kanyang kili-kili.
“Hindi pala talaga madali ang lahat. Akala mo ganun-ganon lang iyon.
“Yung biglang sakit ang matindi tapos matagal mawala ‘yung pain. Mga ilang oras din bago humupa.
“Mabuti na lang malakas ang tolerance ko for pain,” tawa pa niya.
Balbon kasi si Martin kaya “tiis ganda” ang ginawa niya para sa ginagampanan niyang role bilang si Barbs sa project na “Born Beautiful.”
Originally ay ang aktor na si Christian Bables ang bida sa “Born Beautiful,” pero bigla itong nag-backout kaya sa kanya nabigay ang title role.
Naranasan na raw ni Martin ang mag-shave lang ng mga balahibo niya para sa isang gay role din sa “Magpakailanman.”
“Nag-shave lang ako before ng legs, braso at dibdib.
“Iba raw ang magpa-wax dahil sobrang masakit talaga lalo na sa mabalbong katawan tulad ng akin.
“The things I have to go through for #BornBeautiful soon!” sey pa ni Martin.
Feeling naman ni Martin na sulit ang mga pinagdaanan niyang hirap dahil maganda ang project at tiyak na pag-uusapan ang character na ginagampanan niya bilang si Barbs.
“Gusto ko ang role na ito kasi napanood ko ang ‘Die Beautiful’ ni Paolo Ballesteros.
“Noong ibigay nila sa akin ito, hindi na ako nagdalawang-isip. It’s my chance na magbida at ipakita ang mga nalalaman ko sa pag-arte,” pagtapos pa ni Martin na kasama rin sa GMA afternoon teleserye na “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.”