By Rowena Agilada
SA Japan nag-celebrate ng Valentine’s Day si Yasmien Kurdi and her husband, Rey Soldevilla Jr. International pilot ito at nagkataong may flight ito papuntang Japan noong Feb. 14, kaya isinama nito si Yasmien. Today ang balik nila sa Pilipinas.
Wala siyang taping ng “Hindi Ko Kayang Iwan Ka,” kaya nag-swak ang kanilang schedule. Supportive-ever ang husband ni Yasmien sa kanyang career, kaya thankful siya na hindi siya pinapahinto sa pagso-showbiz para maging full time wife and mother sa kanilang five-year old daughter na si Ayesha. “Alam kasi ng asawa ko na hindi ko kayang iwan ang showbiz,” ani Yasmien. Masuwerte raw siya sa husband niya.
Aniya pa, kahit busy siya sa work, nagagawa pa rin niya ang wife at mommy duties niya.
Six years na silang married. Twelve years na sila together, kabilang na ang BF-GF relationship nila.
Samantala, happy and proud si Yasmien sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” First-ever advoca-serye ito ng GMA7 tungkol sa HIV (Human Immunodeficiency Virus). Rape victim siya rito na nahawan siya ng HIV.
Bahagi na si Yasmien ng advocacy na gusto niyang i-share sa viewers ng HKKIK ang mga kaalaman tungkol sa HIV.
Nabanggit ni Yasmien na inimbitahan siya ng Philippine National Aids Council (PINAC) para maging spokesperson sa mga event nila.
Sa Feb. 26 ang pilot episode ng HKKIK sa GMA Afternoon prime. Kapalit ito ng “Haplos.”
Hindi maghahabol
Habang papalapit na ang pagtatapos ng “Haplos,” nakakaramdam ng separation anxiety si Thea Tolentino. Aniya, mami-miss niya ang buong cast, lalo na si Sanya Lopez. Kahit magkaaway sila sa istorya at sobrang pahirap ang ginagawa niya kay Sanya, off-camera ay nakabuo sila ng friendship.
Thea plays Lucille na ginayuma niya si Rocco Nacino (Gerald) para maagaw ito kay Angela (Sanya Lopez). Ani Thea, sa totoong buhay ay hindi niya gagawin ‘yun. “Hindi ako maghahabol sa lalaki. Hindi dapat maghabol kung talagang nakalaan para sa iyo,” saad ni Thea.
April wedding
Sa April na ang beach wedding nina Billy Crawford at Coleen Garcia. Hindi lang kinumpirma ni Coleen ang lumabas na balitang sa Balesin Island ang venue.
Hindi rin siya nagbanggit ng exact wedding date. Si Ria Atayde ang maid of honor. Hindi pa kumpleto ang list ng principal sponsors. ‘Yung secondary sponsors ay pinili nila ‘yung mga taong talagang malalapit sa kanila in and outside showbiz.