By RUEL J. MENDOZA
Hindi naman itinatanggi ni Rufa Mae Quinto na nag-struggle siya sa pag-lose ng extra weight dahil sa panganganak niya kay Baby Alexandria noong nakaraang taon.
Naranasan din niya ang dumaan sa postpartum depression.
Pagkatapos ng lahat ng mga sakrispisyo, kasama na roon ang iwasan ang mga masasarap na paborito niyang pagkain at mag-workout everyday, unti-unti nang bumabalik ang dating sexy na katawan ni Rufa Mae.
Sa pinost na video ni Rufa Mae last February 14 sa Instagram, proud na pinakita ng komedyante na may kurba na ulit ang katawan niya.
Heto ang post ni Rufa Mae sa Instagram:
“Akala ko hinde na babalik ang body ko, I gave birth feb 17, 2017- cs 8.4 lbs akala ko, na walwal na body ko kasi super eat ako while pregnant and breastfeeding, I ate everything I crave, para maging healthy anak ko, maging complete sya while in my womb, so I can breastfeed so my husband @trevvvsilog will be happy .. (he told me I’ll be happiest if you breastfeed pure to our daughter!!) para sa anak namin go go go pure breastfeeding ! Syempre eat pa more!
“Grabe, ang feelings ko when I see myself in the mirror after giving birth, Sabi ko anyare? Post partum begins I cry everyday. (kung anu-ano feelings ko) nag migrate Kami sa states, Ang macho ko na, nakaka lalake ang body ko sa laki ko, 80+ lbs na gain ko. Tapos na miss ko career ko, lahat kayo na miss ko especially myself !!! (I always love myself, priority ko Lang maging asawa at ina, Inuna ko sila)
“Pero ngayon, I can say na mabuti Pala ginawa ko lahat yun para sa family ko, sa asawa ko para sa pag mamahal, kinalimutan ko sarili ko para maging asawa at ina.
“Sabi ko lahat ng sacrifices ko may kapalit naman to. I told myself, I’ve been into myself 38 years of my life…
Pero after giving birth Sabi ko, oh well… time to shine… this valentines, I will start to focus with myself… keeping my mind body and soul healthier…