By Chinkee Tan
1. HUWAG MAGLILIHIMAN AT MAGSISINUNGALING PAGDATING SA PERA
Dahil kapag nabuko ka o nalaman sa ibang tao, mas malaking problema iyan.
2.PAGTULUNGAN AT PAGSUMIKAPAN NA MAABOT ANG MGA PANGARAP
Parang tsinelas, mahirap lumakad kapag wala ang isa. Parang kutsara’t tinidor, kailangan ng suporta para makakain ng maayos. Ganoon din ang relationship. It takes two to make it work.
3. BAWASAN ANG KATAKAWAN PARA MAGING HEALTHY ANG KATAWAN
Araw-araw dine out. Chill time natin may katabing sandamakmak na ice cream, tsitsriya, at tsokolate. Huwag abusuhin para hindi lumobo ang tiyan natin. A couple that eats healthy together, grows old strong together.
4. HUWAG MAGSUMBATAN O MAGSISIHAN SA PANAHON NG KAGIPITAN
Kapag may pagtatalo huwag naman mag paulan ng masasakit na salita. Daanin sa magandang usapan para may mas maayos.
5. MAGING MASINOP SA PAGGASTOS AT MAGTULUNGAN SA PAGBU-BUDGET
Sino maghahandle ng perang pumapasok? Si Misis ba? Si Mister? O parehas? Importanteng marunong tayo mag budget para maabot natin yung pangarap natin for the family.
6. UNAHIN LAGI ANG PANGANGAILANGAN NG PAMILYA BAGO ANG IBA
Pahiram kay pare. Pahiram kay mare. Pahiram sa kamag-anak. Samantalang ang sariling pamilya napapabayaan na.
Mga ka-Chink, pamilyado na tayo. Focus muna sa sariling pangangailangan. Kapag may sobra, ‘yun lang ang itulong sa iba. Kung wala, wala. Matutong tumanggi.
7. MAGHANAP NG EXTRA INCOME AT GAWIN ANG IPON CHALLENGE
Huwag makuntento sa “Okay na yan,” “Pwede na yan,” o “Nakakaraos naman eh.”
Kung may ihahataw pa, hanap pa extra income! Mas makakaipon ng mabilis at mas nagagamit ng tama ang oras natin.
8. GAWING SENTRO NG RELASYON ANG DIYOS PARA MAS PAGPALAIN
Ang Diyos din ang gagabay sa relationship natin sa umpisa hanggang huli. Huwag Siya isantabi. Huwag Siya kalimutan.
Si Lord dapat ang sentro ng ating relasyon.
9. UMIWAS SA MASAMANG BARKADA AT ALISIN ANG BISYO AT LUHO
Wala silang magandang maidudulot sa atin. Baka ito pa ang pag mulan ng away. Piliin ang mga taong makakasama. Yung pwede tayong payuhan, pakinggan, at hindi biased.
10. UMATTEND SA HAPPY WIFE HAPPY LIFE SEMINAR KO SA MARCH 10 PARA SA PAGMAMAHALAN NA FOREVER AT HINDI POOR EVER
IF YOU ARE:
– Confused about how to make your marriage work. Afraid to let your friends know that your marriage is on the rocks.
– Shy to ask questions about marriage, because they might think your marriage is in trouble.
Join us on March 10, Saturday, 1 p.m. to 6 p.m.,
Victory Greenhills Center, Fourth Floor, VMall Shopping Center, Greenhills, San Juan City.
Early bird: R750 (with free book) per couple. For more details, visit: www.chinkeetan.com/hwhl.