By Rowena Agilada
HUMO-HOPIA (hoping) ang fans nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual sa posibilidad na reunion movie ng kanilang mga idolo. May tsika pang diumano, sa Prague ang location shoot.
Nakausap ng reporter na si Allan Diones ang mommy ni Piolo at ito ang nagsabing may gagawing pelikula sina Juday at Piolo. Abang-abang na lang sa kaganapan.
Last Tuesday (Feb. 27) ay nasa Amanpulo, Palawan si Juday kasama ang hubby niyang si Ryan Agoncillo. Naipost niya ito sa socmed at ‘andun din ang mag-amang Ogie at Leila Alcasid, Lovi Poe, Heart Evangelista, KC Concepcion at iba pang celebrities.
‘Andu’n sila para sa isang event.
Wedding
Any day or any moment ay manganganak (o baka nanganak na) si Sarah Lahbati sa second baby nila ni Richard Gutierrez.
Baby boy ito at Kai ang palayaw, ani Richard sa “Tonight with Boy Abunda.”
Aniya pa, naihanda na nila ni Sarah ang panganay nilang si Zion para hindi ito makaramdam ng selos paglabas ng kapatid nito. Excited na nga raw si Zion sa pagiging kuya.
Nabanggit ni Richard na March or April ang wedding nila ni Sarah. Either beach or mountain wedding ‘yun sa Switzerland. Intimate wedding ang gusto nila.
Pero ang gusto ng kanyang mommy Annabelle Rama ay traditional wedding dito sa Pilipinas. Imbitado ang kanilang respective families and close friends.
Abang-abang na lang kung sino ang masusunod sa kasalang Richard-Sarah.
Pangako
Mapanindigan kaya ni Joshua Garcia ang ipinangako niya kay Dennis Padilla on national TV na hindi niya sasaktan, hindi niya lolokohin at aalagaan niya ang anak nitong si Julia Barretto? “Hindi ka magiging action star,” wika pa ni Joshua, referring to Dennis.
Sa isang guesting ni Dennis sa “Magandang Buhay” ay sinabi niyang boto siya kay Joshua for his daughter. Huwag lang niyang sasaktan at lolokohin si Julia. Magiging action star daw siya kapag ginawa ‘yun ni Joshua kay Julia.
Open na ang BF-GF na relasyon nina Julia at Joshua. Sweet sila noong nag-guest sila sa “Magandang Buhay.” Hindi maikakaila ‘yung look of love ni Julia kay Joshua habang nagsasalita ito. Kilig-kiligan si Julia nang sabihan siya ni Joshua ng “I love you!”
Ipinagluto pa niya si Julia ng adobong manok na paborito nito. Ani Joshua, recipe ‘yun ng kanyang daddy.