By RUEL J. MENDOZA
MASAYANG nagkuwento ang Kapuso TV host-actress na si Iya Villania sa kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak nila ng mister niyang si Drew Arellano.
Sa naging kuwento ni Iya ay hindi pa raw nila alam ang gender ng second baby nila kahit na four months pregnant na siya.
“To set the record straight, hindi namin alam ni Drew kung ano ang gender, parehas lang kaming na-surprise.
“Pero napapanaginipan ko na lalake ulit ang magiging baby namin ni Drew.
“But what’s important is magiging kuya na si Primo,” masayang kuwento ni Iya.
Nanganak si Iya sa first baby nila ni Drew noong August 2016. One year-old na si Primo.
Nabanggit din ni Iya na noodles ang madalas na paglihian na pagkain niya ngayon. Kaya panay ang kain daw nila ni Drew sa mga restaurants na nagse-serve ng ramen. Minsan naman daw ay nagpapabili si Iya ng ramen noodles sa kanyang mister.
“Mga food aversions like ‘yung sobrang type ko noon na pizza o pandesal. That was time na buntis ako kay Primo.
Ngayon, hindi ko masyado type ngayon o hinahanap.
“Any kinds of noodles ang gusto kong kainin. I don’t know why pero iyon ang gusto ko talaga. Kaya parati kong kinukulit si Drew na mag-uwi siya ng ramen noodles kasi naglilihi ako!” ngiti pa niya.
Kabilang sa natuwa sa pagbubuntis ni Iya ay ang Kapuso comedian na si Michael V. na kasama ni Iya sa pag-host ng “Lip Sync Battle Philippines.”
“Iya, hindi ko alam kung ano mayroon sa ‘yo. Bakit tuwing ‘Lip Sync Battle’ nabubuntis ka! Anyway, congratulations sa inyong dalawa,” pabirong pagbati pa ni Bitoy kay Iya.
Napapanood si Iya daily sa GMA news program na “24 Oras” kunsaan siya ang segment host ng “Chika Minute.”
Huling napanood si Iya sa rom-com teleserye na “My Korean Jagiya.”