By Rowena Agilada
SINITA at sinisi diumano ng isang male personality (MP) ang isang talent manager (TM) kung bakit naghiwalay sila ng kanyang showbiz wife. Nagkita ang MP at ang TM sa isang gathering. Nagkainuman at nalasing ang MP.
Dala ng kalasingan, kinompronta ng MP ang TM. Ito raw ang dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang wife. Gusto sanang sagutin ng TM ang MP at sabihin ang totoong dahilan kung bakit siya hiniwalayan ng misis nito.
Pinili na lang ng TM manahimik at lumayo na lang sa MP dahil lasing ito. “Sa susunod, kapag nagkita uli kami at hindi siya lasing, sasabihin ko sa kanya ang dahilan,” sabi ng TM na nakatsikahan namin.