By Rowena Agilada
PINANINDIGAN na talaga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang pagki-claim na “asawa” na nila ang isa’t isa.
Naunang nagsabi nito si Daniel sa past interview sa kanya. Ikinakilig ito ng KathNiel fans.
Lalo pa silang kinilig nang ipost ni Kathryn sa socmed ang photo nila ni Daniel, kasama ang kanilang friend at GF nito. Ang caption ni Kathryn , “Happy wives, happy lives.” O, di ba, feeling wife si Kathryn?
Confident
Never nakaramdam ng selos o insecurity si Bea Alonzo sa pagsasama nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach sa pelikulang “My Perfect You.” Kahit pa sabihing Miss Universe 2015 si Pia, confidently beautiful si Bea na hindi siya ipagpapalit ng BF niya kay Pia.
Alam ni Bea kung saan siya nakalugar sa puso ni Gerald. Besides, “taken” na si Pia. May BF na siya, ang car racer na si Marlon Stockinger.
Napanood na ni Bea ang trailer ng “My Perfect You” at naaliw siya sa eksena ni Pia na ginaya siya nito sa isang pelikulang ginawa niya.
May premiere night ang “My Perfect You” on Monday sa SM Megamall cinema. Hindi pa sure kung makakasama ni Gerald si Bea dahil may shooting ang huli ng “Kasal” kung saan kasama niya sina Paulo Avelino at Derek Ramsay.
Eh, si Marlon kaya, kasama ni Pia sa premiere night?
Affected
Kung tahimik lang at no comment si Claudine Barretto na may non-showbiz girlfriend si Raymart Santiago, nagpahayag naman ng kanyang saloobin sa socmed ang anak nilang si Sabina.
Madamdamin at puno ng hinanakit ang post ng bagets. As of presstime, no comment si Raymart sa sentimiyento ng anak.
Affected much si Sabina na may iba nang mahal ang kanyang daddy Raymart.
Gaya rin si Sabina ng ibang bata kapag naghiwalay ang mga magulang. Hindi agad-agad matatanggap kapag may ibang tao nang karelasyon ang mga ito. Kailangang maipaliwanag kay Sabina ang sitwasyon ng kanyang parents.
Magkahiwalay
Magkahiwalay ng episodes para sa Lenten Special ng “Eat Bulaga” sina Alden Richards at Maine Mendoza. Sina Sen. Tito Sotto at Joey de Leon ang mga kasama ni Alden, directed by Adolf Alix, Jr.
Sina Vic Sotto, Mama Ten at iba pang dabarkads ang kasama naman ni Maine.
Sa gagawing teleserye ni Alden sa GMA7, hindi rin sila magkasama ni Maine. Iba ang leading lady ni Alden. Wait na lang sa announcement ng Kapuso Network.