By Mercy Lejarde
WHO sez na na-invade na ng mga bagong directors/scriptwriters ang ating movie industry sa ngayon at hindi na active ang mga veteran movie directors cum story writers?
Well, not in the case of Direk Jigz F. Recto na dating writer ni Direk Elwood Perez (“Bilangin Ang Bituin Sa Langit” 1989).
Si Jigz ang director ng “Lalamunan” (2008) at “Kasalo” (2012).
Nito lang January 2018 ay nag-premiere ang kanyang pelikulang “Fatima, Ang Tunay Na Yaman” kung saan mga batang workshoppers niya ang gumanap. Special participation sina Liz Alindogan, Malu Barry, Jao Mapa, Gino Ilustre, Token Lizares, and yours truly.
As of this writing ay may proyekto siyang Harana Pilipina na ang tema ay isang pambansang timpalak sa pagkanta ng mga senior citizens. Magkakaroon ito ng pa-contest mula Luzon, Visayas at Mindanao kung saan isang milyon piso ang nakalaang pa-premyo sa tatanghaling Harana Grand Champion.
Pararangalan din ng Harana ang mga celebrities na malaki ang naitulong sa ating music industry.
Nakipagkasundo na si Direk Jigz sa primemover ng proyektong ito kay Chairman Emmanuel Cervantes.
Ito ay sa tulong ng butihing Mayor ng Puerto Galera na si Mayor Rocky D. Ilagan kasama ang OSCA Head na si Gng. Flordeliza R. Persia.
Kabilang din ang Federation President na si G. Leoncio F. Aranzado at ang mga Osca heads ng mga barangay na sina Amparo Arban, Dominador Balitaan, Leticia Adriano, Erlinda Zubiri, Rudilia de Leon, Naty Gutierrez, Corazon Binay, Angela Bunquin, Genciano Gutierrez, Angelita Romero at Senecia Sunduran.