IT’S been a long time since nakatsikahan namin ang friend-actor, now councilor ng second district ng QC na si Roderick Paulate. Over dinner sa isang restaurant sa Tomas Morato, QC, inabot ng almost four hours ang bonding moment ng actor-politician sa ilang close showbiz friends-reporters (kasama ang yours truly).
Ani Dick, nami-miss niya ang showbiz tsikahan, kaya he took time out from his busy schedule as public servant.
Nakakawala raw ng stress. Iba nga naman ang mundo niya kapag nasa public service siya.
Last term na ni Dick bilang councilor at hindi pa niya masabi kung ano’ng posisyon ang tatakbuhan niya. Hindi pa siya nakakapag-desisyon. May mga naririnig kaming usap-usapan na diumano, hinihikayat siya ng constituents niya na kumandidato siya bilang vice-mayor ng QC sa 2019 election. Susuportahan nila si Dick.
Sa nine years niya bilang councilor, ang daming projects ang nagawa ni Dick and still going on hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino. May day-care program siya, nakapagpagawa ng multi-purpose halls, road improvement, namigay ng sapatos sa mga estudyante sa ilang public schools, among others.
Ngayong summer, may anti-rabies vaccination project si Dick sa Batasan Hills, Payatas at Bgy. Commowealth. Mamimigay din siya ng reading glasses sa mga senior citizens. May free eye check-up din.
Oo naman, nami-miss niyang umarte. Kung may offer at maganda ang role, either sa TV or pelikula, tatanggapin niya, ani Dick. Huli siyang napanood sa “Munting Heredera” sa GMA7 several years ago.
Artista na
Nag-aral sa isang international school si Donny Pangilinan, pero kahit inglisero, hindi siya trying hard magpa-impress. Hindi siya pa-conyo effect. Fluent din siya mag-tagalog. Kabilang siya sa 2018 Star Magic Circle na ipinakilala sa press kamakailan. Anak siya nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.
Hindi pa nagso-showbiz si Donny ay kilala na siya sa social media. Nag-guest na siya sa “Magandang Buhay” at “Gandang Gabi Vice.”
VJ host siya ng MYX, ABS-CBN’s music channel. Nakagawa ng two singles, “Did You” at “Different Kind of Love.”
Dalawang pelikula ang ginagawa ngayon ni Donny, “Walwal” at “Playhouse.”
Susubukang i-love team siya sa former PBB teen-housemate, 18-year old, Kisses Delavin. At 20, single pa siya, ayon kay Donny.