By Franco Regala
CAMP OLIVAS, Pampanga – Inaresto ng pulis kahapon ang isang 17-anyos na binatilyo sa Bustos, Bulacan matapos siyang ituro ng isang 11-anyos na grade student na isa sa dalawang lalaki na gumahasa sa kanya kamakailan.
Sa kuwento ng biktima, nagsimula ang lahat ng niyaya daw siya ng dalawang lalaki na pumunta sa Brgy. Malamig. Hindi niya alam na may binabalak na palang masama sa kanya ang dalawa.
Aniya, bigla na lang siyang hinubaran at halinhinang bi naboy ng dalawa sa isang bakanteng lote roon.
Matapos ang pananamantala, nagsumbong ang bata sa kanyang ina at sabay silang dumulog sa pulisya.
Ayon kay Senior Supt. Romeo Caramat Jr, Bulacan provincial director, pinaghahanap pa sa nga yon ang 16-anyos na kasabwat ng suspek.