By Rowena Agilada
ANG galing talaga ni Jessica Soho and her staff sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa paghahanap ng mga nawawalang anak, tatay, nanay, kapatid at kamag-anak.
Pinabilib na naman kami ng kanyang programa sa featured story tungkol sa 17-year old girl named Hanna na ipinaampon ng kanyang biological mother.
Naging contestant si Hanna sa isang segment ng “Wowowin” at nu’ng ibahagi niya ang istorya ng kanyang buhay, sinabi ni Willie Revillame sa kanyang staff na kontakin si Jessica Soho para matulungan si Hanna na mahanap ang kanyang biological mother.
Agad nag-effort ang team KMJS para mahanap ito. After 17 years, nagkita ang mag-ina, pati mga kapatid ni Hanna sa graduation rehearsal niya sa kanilang school. Pang-pito siya sa siyam na magkakapatid. Dala ng kahirapan kaya ipinaampon si Hanna. Labandera ang kanyang ina, may sakit na TB ang kanyang ama na namatay na a few years ago.
Wala siyang galit o tampo sa kanyang ina. Hindi siya nag-rebelde gaya ng ibang ampon. Itinuring siyang tunay na anak ng babaeng nag-ampon sa kanya. Napalaki ng maayos at pinag-aral. Graduating na siya sa high school.
Magandang graduation gift kay Hanna ang pagkikita nila ng kanyang tunay na ina at mga kapatid. Dahil ‘yun kay Jessica Soho and her staff. Good job! Saludo kami. Pati kay Willie Revillame na naging instrumento para maitampok sa KMJS ang istorya ni Hanna na puwedeng pang-“Magpakailanman.”
Balik-pelikula
Balik-pelikula si Maricel Soriano at nag-su-shooting na siya ng “Two Mommies” under Regal Entertainment. Isa siya sa mga original Regal babies na kapanabayan nina Snooky Serna, Dina Bonnevie, Albert Martinez, William Martinez, among others. Huling pelikula ni Maricel ang “Lumayo Ka Nga sa Akin” in 2016.
Kasama niya sa kanyang comeback movie sina Solenn Heussaff at Paolo Ballesteros with Dianne Medina. Si Eric Quizon ang direktor. Gaganap si Maricel bilang tita ni Paolo.
Proud BF
Proud pa rin si Jason Abalos sa girlfriend niyang si Vickie Rushton kahit first runner-up lang ito sa nakaraang Bb. Pilipinas 2018 competition. Ani Jason, si Vickie pa rin ang nag-iisang reyna sa puso niya. Mahusay namang sumagot si Vickie sa Q & A portion na inakala naming may masusungkit siya sa six major awards.
Win naman si Michele Gumabao bilang Bb. Pilipinas-Globe. Isa sa mga hurado ang co-athlete niyang si Alyssa Valdez. Ibinoto kaya niya si Michele? What about Vickie Rushton? Kasama rin sa panel of judges sina Gerald Anderson at Lara Quigaman. Ibinoto kaya nila sina Michele at Vickie na parehong former PBB housemates?