By ROBERT R. REQUINTINA
MATAPOS ang matagumpay na Bb. Pilipinas beauty pageant na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong March 18, marami ang nagtatanong kung kaninong beauty camp nag-training si Catriona Gray ang magiging pambato ng Pilipinas sa darating na Miss Universe 2018 beauty pageant.
Sa tutoo lang, idineklara na ni Gray na wala syang beauty camp na kinabibilangan at isa syang independent candidate noong sumali sya sa 55th Bb. Pilipinas contest.
Sa mga hindi nakaka-alam, ang mga beauty camp sa ngayon ang mga nagte-train sa mga kandidata na sasabak sa mga beauty contest.
Ilan sa pamosong beauty camp ay ang Aces and Queens ni Jonas Gaffud at Kagandahang Flores ni Rodgil Flores. Maraming beauty queen na ang nag-train sa kanila at nag-uwi na rin ng korona mula sa mga prestihiyosong international beauty pageants.
Sa Instagram, pinasalamatan ni Gray ang kanyang mga personal trainers pero ayaw raw nilang pabanggit ang mga pangalan nila.
Bukod sa Bb. Pilipinas, pamilya at mga stylists nya, tatlo sa pinasalamatan ni Gray ay ang kanyang co-candidate na si Sandra Lemonon at fashion designers Jearson at Mak Tumang.
She wrote:
“To Madam SMA and BPCI executive committee thank you for this once in a lifetime oppertunity. To Sir Gines, Ms Liliana, Ate Jems, Kuya Jun and the rest of the black boys of BBP, thank you for an amazing experience over these last few weeks and for looking after me and all of my sisters!
“To @jearsond and @maktumang what an amazing experience it is to collaborate with such talented artists!!! Thank you for your amazing talent and making me feel like a queen
“To my family, my love @clintbondad and my friends for always being there to support me and give me strength. Special shout out to my sister @sandralemonon who kept me sane throughout
“Lastly to my #Catrionians what an amazing journey we’ve been on. Through the highs and lows you’ve never left my side. For your love, dedication and ceaseless support…I’m am forever grateful that you’ve chosen me as your queen.”