By Rowena Agilada
ANO kaya ang masasabi ng isang aktor na dating kasamahan ng isang super sikat ngayong aktor sa isang malaking network?
Baguhan pa lamang noon si super sikat ngayong aktor at medyo umaangat na ang career ng dating kasamahan nitong aktor.
Pero mukhang naiinsecure na agad ito. Nagtanong siya sa ilang showbiz writers tungkol sa baguhang aktor noon na super sikat ngayon. Ano raw ang masasabi sa takbo ng career nito?
Bakit daw ba pinagkukumpara sila? Ayaw nitong pinagkukumpara sila dahil mas nauna naman daw siyang mag-showbiz.
Nagkaroon ito ng attitude problem, kaya naapektuhan ang career.
Unti-unti namang napansin ang baguhang aktor, hanggang nabigyan ng break na makapagbida sa mga teleserye. Bumongga to-the-max ang career nito at naging most-sought-after product endorser.
Visible pa rin naman ngayon sa showbiz ‘yung aktor na dating kasamahan ng super sikat ngayong aktor sa isang malaking network. ‘Yun nga lang, milya-milya na ang layo sa kanya ng super sikat na aktor. Weather-weather lang talaga.