By LAILA CHIKADORA
DEADMA to the world ang drama ni Solenn Heussaff sa mga tawag at text ng asawa niyang si Nico Bolzico nang minsang magbakasyon ang Kapuso star sa Samar! Sobrang na-inlove kasi si Solenn sa lugar kaya naman gusto sana niya ng “me time” doon! “Nung nandun ako sabi niya, bakit di ka nagte-text sa akin? Sabi ko ‘nag-e-enjoy ako dito ayaw kong isipin na may asawa ako!’”
At para mas mainggit daw ang asawa, nagpapadala pa si Solenn ng mga pictures ng magagandang tanawin sa Samar! “So sine-send ko sa kanya ang mga pictures and he couldn’t believe na nasa Pinas talaga yan!” Ani Solenn.
Sobrang nag-enjoy si Solenn sa Samar kaya naman ginawa na siyang Ambassador ng probinsiya! Madami daw tourist destinations doon! Kung mahilig sa adventure at extreme… siguraduhing ilagay sa listahan ninyo ang pagbabakasyon sa Samar! “May mga beaches sila, mountaineering, rappelling, rock climbing, cave exploring, ang daming puwedeng gawin sa Samar at sobrang raw so ‘yun ang maganda! Mafi-feel mo talaga na adventure and madami puwede gawin they have a lot of delicacies din.” Say ng Kapuso star.
Iniyabang din ni Solenn ang mga kuweba ng Samar! “Samar is the third biggest caving capital of the world a lot of professional cave explorers pumupunta sila sa Samar for trekking inside the caves na for three days and lalabas kayo sa Leyte.”
Kaya naman ngayong Holy Week, posibleng sa Samar ang punta ni Solenn, hubby Nico pati na din ang kapatid niya na si Erwan. “Sabi nila dapat ‘yung pinaka the best Holy Week para maaraw. This summer I’m working but nagpa-plan na ako with my brother and Nico na! ‘Yung four day na trekking sa gubat!”