By Rowena Agilada
NAKAUGALIAN na ni Alden Richards and his family na mag-fasting tuwing Holy Week. Kinalakihan din niya na kapag Black Saturday ay magkakasama silang nanonood ng “The Seven Last Words.” Magkakasama rin sila kapag Easter Sunday.
Nasa Dakak beach resort sila ngayon sa Dapitan at sa Good Friday ang balik nila sa bahay. Sobrang happy ang Pambansang Bae kapag kapiling niya ang kanyang pamilya. Todo-bonding sila. Kahit sikat na siyang artista, walang special treatment sa kanya. Ordinaryong anak at kapatid siya na hindi nila pinag-uusapan ang mga showbiz intriga sa kanya.
Siya si Richard Faulkerson, Jr. at hindi si Alden Richards na iniidolo ng karamihan.
Magkalaban
Todo-palakpak na patalon-talon pa si Bianca Umali na mukhang tensiyonada habang pinapanood niya si Miguel Tanfelix na kalaban ni Ruru Madrid sa championship round sa “All-Star Videoke.”
Mukhang hindi na kailangang mag-effort ni Miguel sa panliligaw kay Bianca. Obvious namang na-win na niya ang puso ng dalaga. Kung walang care si Bianca kay Miguel, hindi siya mag-e-effort na bantayan ito sa taping ng ASV.
Sayang lang at hindi nanalo si Miguel. Si Ruru ang pinalad at nakapag-uwi siya ng more than P135,000 cash prize. Nanalo na rin si Ruru sa isang episode ng ASV ng cash prize at brand-new car.
Nanalo rin si Miguel sa isang episode ng brand-new car at cash prize. Coincidence na sa last episode ng ASV ay silang dalawa ang nagkalaban.
Iwas-tukso
Nasa Coron, Palawan ngayong Holy Week ang magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez. Kasama rin si Barbie Forteza and her family. Kahit tanggap ng pamilya ni Barbie si Jak, hindi pa rin siya pinapayagang sumamang mag-isa kay Jak.
Bagaman, may tiwala naman sa kanila ang parents ni Barbie, mabuti na ‘yung iwas-tukso, ayon sa mommy ni Barbie. Mabuti na ‘yung nag-iingat para wala silang pagsisihan sa huli.
Huwag nang ipilit
Huwag nang ipilit dahil kung talagang hindi ukol, hindi bubukol. Kung anuman ang dahilan ni Gabby Concepcion sa pagtanggi niyang gumawa sila ng reunion movie ni Sharon Cuneta, irespeto na lang.
Give up na si Sharon na aniya, ginawa na niya ang lahat para matuloy ang reunion movie nila ni Gabby. Pero mukhang hindi talaga interesado ang huli. So, be it! Kung ayaw, eh, di huwag!