By Rowena Agilada
Naging magkarelasyon pala sina Ara Mina at Keempee de Leon noong nagkasama sila sa “That’s Entertainment.” Inamin ito ni Keempee noong nag-guest sila ni Ara sa “Tonight with Arnold Clavio.” Nag-duet pa sina Keempee at Ara ng kantang “Endless Love.”
Aniya, niligawan din noon ni Keempee si Sunshine Cruz na karelasyon ngayon ng stepbrother ni Ara na si Macky Mathay.
Na-link din noon kay Keempee sina Manilyn Reynes, Carmina Villarroel, at Vina Morales.
Throwback lang kina Keempee at Vina. Sa presscon noon ng isang movie nila (na-forget na namin ang title) ay nakatuwaan ng entertainment press na kunwa-kunwariang ikasal sina Keempee at Vina. Table napkins ang ginawang belo na ipinatong sa kanilang mga balikat.
Single pa rin ngayon sina Keempee at Vina. Pareho silang may anak out of wedlock. Early 20s ang edad ng daughter ni Keempee sa isang non-showbiz girl. Girl din ang anak ni Vina sa isang controversial businessman.
Theme song
Guests din sa “Tonight With Arnold Clavio” sina Nadia Montenegro,Sharmaine Arnaiz, Donita Rose, Jojo Alejar, Isko Moreno, at Chuckie Dreyfuss na dating That’s Entertainment members. Sort of reunion nila ‘yun sa anniversary special ng TWAC.
May pinahulaang mga kanta noong 80s si Arnold na ang isa’y nasagot ni Nadia na “Together in Electric Dream.” Aniya, theme song nila ‘yun noon ni Richard Gomez.
Hindi naman diretsang nasagot ni Chuckie ang tanong ni Arnold kung naging “sila” ba ni Isabel Granada. Dating miyembro rin ng That’s Entertainment ang yumaong singer-actress. “Parang” ang nakangiting sabi ni Chuckie. Noong namatay si Isabel hanggang burol at cremation ng kanyang labi ay punong-abala si Chuckie sa pag-asikaso sa mga nakiramay, pati sa pagkalap ng donation para sa naiwang pamilya ni Isabel.
Payo
Maganda ang sinabi ni Sharmaine Arnaiz na hindi niya malilimutang itinuro sa kanila ng yumaong German “Kuya Germs” Moreno (host ng That’s Entertainment) ay parati nilang babatiin ang mga kasama nila sa trabaho. Malaki man o maliit na artista, datihan o baguhan o kahit hindi nila kakilala, dapat ay batiin nila.
‘Yan ang wala sa mga kabataang artista ngayon (hindi naman lahat). May mga nakakausap kaming veteran stars na anila, ‘yung ibang nakakatrabaho nilang youngstars ay dinadaan-daanan lang sila. Hindi nambabati.
Iba talaga ang training noon ni Kuya Germs sa That’s Entertainment members. Karamihan ay sumikat, nagkaroon ng magandang buhay. ‘Yung iba’y aktibo pa rin sa kanilang showbiz career.