By Malu Cadelina Manar
KIDAPAWAN CITY – Isang retiradong sundalo sa Carmen, North Cotabato ang sumakabilang buhay Biyernes makaraang pagbabarilin ng sarili nitong kapatid.
Kinilala ng awtoridad ang nasawi na si Jerome Mampenayo, 45, dating miyembro ng Philippine Army.
Ang suspek ay ang kanya mismong batang kapatid na babae na kinilalang si Elena Mampenayo-Orbina, 34.
Ayon sa pulisya, nangyari ang krimen tanghali nitong Biyernes makraang sugurin ng yumao ang bahay ng suspek na may dalang itak.
Hindi niya inakalang nakahanda na sa kanya ang kapatid na may hawak na kalibre .45.
Pinaulalanan ng bala diumano ng suspek ang nagulat na biktima na agad tumimbuwang sa kanyang kinatatayuan.
Nasa kamay na ng mga awtoridad ang suspek.