By Rowena Agilada
NAG-VIRAL ang nakunang photo ng isang netizen na magkasama at holding hands pa sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa isang mall sa BGC, Taguig City.
Ikinatuwa ‘yun ng JoshLia fans dahil ibig sabihin, together pa rin sina Joshua at Julia. A few weeks ago’y nabalitang diumano’y nag-split ang dalawa dahil nakipag-palitan ng messages sa socmed si Joshua sa isang non-showbiz girl.
Sa isang post ni Joshua, sinabi niyang wala namang nakakaalam sa tunay na namamagitan sa relasyon nila ni Julia, kundi silang dalawa lang.
Whatever! Happy ang fans na okey, alright ang kanilang idols. Kaya pala, walang violent reaction si Dennis Padilla.
Binantaan kasi niya si Joshua na magiging action star siya kapag niloko at pinaiyak nito si Julia.
Naggamitan?
Happy together pa rin sina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Balitang sinundan pa ni Bea sa London si Gerald at nag-happy-happy sila roon. May nagustuhan pang bilhing car si Bea na ewan kung natuloy ‘yun.
Duda ng karamihan, fake news ‘yung diumano’y nag-break sina Gerald at Bea. Itinuro pang si Pia Wurtzbach ang dahilan.
Diumano, gimmick lang ‘yun para sa promotion ng “My Perfect You.” Itinanggi naman ng Star Cinema na hindi sila gumi-gimmick .
Happy together pa rin sina Pia at Marlon Stockinger. Binigyan pa niya ng surprise birthday party ang kanyang boyfriend.
Kaya pala tahimik lang si Pia sa isyung diumano’y siya ang dahilan ng break-up (kuno!) nina Gerald at Bea. No reaction din siya nu’ng i-unfollow siya ni Bea sa socmed.
Duda ng netizens, “scripted” ‘yun, pati ang pag-un-follow ni Bea kay Gerald. After two weeks ay finallow niya muli ito. Then, nagkita sila sa London.
Willing
Willing daw si Jessy Mendiola maka-work muli ang ex-boyfriend niyang si JM de Guzman. Balik-showbiz na ang huli matapos siyang ma-rehab ng dalawang beses dahil sa paggamit ng illegal drugs.
May ginagawang mini-series si JM sa ABS-CBN katambal ang dating PBB teen housemate na si Barbie Imperial.
Sakaling may project ang Kapamilya Network para kina Jessy at JM, pumayag naman kaya si Luis Manzano?
Na-link noon si JM kay Meg Imperial. Work in progress na sana. Naudlot nu’ng nagkabalikan sina JM at Jessy. Pero nag-break uli sila. Pumasok muli sa rehabilitation center si JM.
Noong lumabas siya, si Luis Manzano na ang boyfriend ni Jessy.