By Kim Atienza
HEALTHY eating daw ang panawagan ng marami ngayong mga panahong ito. Are you eating healthy?
Mahirap ba ang sumunod sa isang healthy eating lifestyle? Hindi naman masyado, payo ng kaibigan nating si Dr. Willie T. Ong, kilalang cardiologist at volunteer doctor sa programang “Salamat Po, Doctor” ng ating home network, ABS-CBN.
Heto pa ang pagpapatuloy natin sa mga healthy eating tips ni Dr. Willie T. Ong.
•
Ang isda ay masustansya kaysa sa karne.
Ayon sa pagaaral, ang pagkain ng mamantikang isda na may omega-3 fatty acids (halimbawa: sardinas, mackerel at salmon) ay nakakatulong sa pagpapahaba ng buhay.
•
Mas mainam na ihawin ang isda kaysa sa prituhin ito.
•
Ang isda na mataba o halos walang taba ay nagtataglay pa din ng mababang saturated fat.
•
Ugaliin palaging basahin ang nutrisiyonal label. Ito’y makakatulong sa pagpili ng mainam na pagkain para sa iyo.
Pansinin mabuti ang mga sumusunod:
“FREE” may pinakamababang antas ng nutrient.
“VERY LOW” and “LOW” nagtataglay ng kaunti.
“Reduced” o “LESS” ibig sabihin ang laging pagkain ng less 25% na nutrient ay mas mainam kaysa sa dati o original na bersyon nito.
•
Laging piliin ang fat-free, one percent fat, at low-fat dairy products.
Kapag ika’y umiinom ng isang buo o dalawang porsyento ng gatas , unti unting lumipat sa fat-free dahil mas mainam ito kaysa sa low-fat o mababang taba na mga gatas.
•
Humanap ng fat-free o low fat na keso na gaya ng part-skim milk, mozzarella, ricotta at iba pa.
•
TRIVIA PA MORE (Various Sources): While not wholly specific to China, an interesting traditional Chinese custom says that a husband should carry his bride over a pan of burning coals before crossing the threshold of their home as husband and wife.
According to tradition, the ritual ensures that the wife will have an easy and successful labor.
Firewalking is also performed by some Chinese as a means to prevent natural disaster.
•
Send your questions on anything and everything to Kuya Kim through my Twitter account @kuyakim_atienza using #AlaminKayKuyaKim.
Ating tuklasin ang mga bagay-bagay na di niyo pa alam. Walang ’di susuungin, lahat aalamin. Ito po si Kuya Kim, Matanglawin, only here in TEMPO.